Patuloy na inihahandog ng Moonton ang swabeng MLBB x Transformers collab skins na maaaring makuha in-game. Simula noong unang nabuo ang tambalan, inilabas na ng game developer ang skins para kina Granger, Johnson, X.Borg, Popol and Kupa, Roger at Aldous.
Kumpleto ang skins na may swabeng voice lines, skill effects at custom emotes.
Mababalikan na unang itinampok ang nasabing skins sa first phase event kung saan kinailangan ng players na makaipon ng Transformers parts para maka-claim ng random skin. Samantala, bingo event na pareho ng sa King of Fighter’s skin event ang gumulong sa phase 2.
Lahat ng MLBB x Transformers skins sa Mobile Legends: Bang Bang
| PHASE | DATE | SKINS |
| First phase | August 14 to November 11, 2021 | Megatron Granger Optimus Prime Johnson Bumblee X.Borg |
| Second phase | May 24 to July 7, 2022 | Starscream Aldous Grimlock Roger Popol and Kupa Soundwave and Ravage |
Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa pinakahuling balita tungkol sa MLBB.
BASAHIN: Swabe ang hitsura ng Elysium Guardian Luo Yi, ang pinakabagong collector skin sa MLBB