Ang mga diamonds ay isang mahalagang pera in-game sa Mobile Legends na maaring magamit para maka-unlock ng heroes, skins, at iba pang items.
Ito ang isang gabay kung paano mag-top up ng Diamonds, para makuha mo na agad ang susunod mong nais bilhin.
Paano mag-top up ng diamonds sa Mobile Legends sa labas ng app
Ang pinaka-direktang paraan para bumili ng diamonds ay mula sa MLBB in-game recharge shop. Ngunit mas mura itong bilhin sa mga pinagkakatiwalaang third-party sites na naghahatid ng mga deals.
Ito ang tatlong trusted sites at instructions kung paano mag-top up ng diamonds sa Mobile Legends.
Codashop
Ang Codashop ang isa sa pinakamalaki at pinaka-pinagkakatiwalaang top-up website para sa mga laro at online entertainment sa Asia. Hindi kailangan mag-register o mag login para makabili ng diamonds sa site na ‘to.
Payment methods
- Mobile load
- GCash
- Maya
- GrabPay
- Credit card or debit card
- Over-the-counter bank payment
Maari ka ring makapadala ng Diamonds sa iyong mga pamilya o kaibigan sa pamamagitan ng pag-type ng kanilang user ID at Zone ID.
Razer Gold
Ang Razer Gold ay isang digital wallet na pwedeng magamit para magbayad sa mga iba’t-ibang laro at entertainment apps, tulad ng Mobile Legends. Kailangan gumawa ng account dito para magamit ang kanilang serbisyo.
Paano mag-top up ng diamonds
- Bisitahin ang Razer Gold MLBB top up page
- I-login ang iyong Razer Gold account para makatanggap ng libreng Razer Silver
- Ilagay ang iyong MLBB Game User ID at Server ID
- Piliin ang Razer Gold o ang iyong nais na payment option, at i-click ang “Checkout”
- Ilagay ang OTP para makumpleto ang iyong transaksyon
Payment methods
- Razer Gold wallet
- Mobile load
- GrabPay
- GCash
- Payment Centers
- Over-the-counter bank payment
- Online banking
Kailangan may sapat na balance ka sa iyong Razer Gold account para makapag-transact gamit ang Razer Gold wallet.
UniPin
Ang Universal Pin (UniPin) ang nangungunang Digital Entertainment Enabler para sa online games at digital products sa buong mundo. Hindi mo na kailangan mag-login para makabili ng diamonds mula sa site na ‘to.
Paano mag-top up ng diamonds
- Bisitahin ang UniPin MLBB top-up page
- Ilagay ang iyong MLBB Game User ID at Server ID
- Piliin ang nais mong demoniation
- Kumpletuhin ang payment process, at agad-agad na papasok ang MLBB diamonds sa iyong game account
Payment methods
- Physical vouchers
- Mobile load
- GCash
- Maya
- GrabPay
- Payment Centers
- Over-the-counter bank payment
- Online banking
I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang gabay tungkol sa Mobile Legends.
BASAHIN: Lituhin ang mga kalaban gamit ang 3 best split push heroes sa MLBB