Mukang ‘di na malabo magkaroon ng MPL China matapos lumutang ang mga impormasyon tungkol sa paglabas ng Mobile Legends: Bang Bang sa bansa.
Isa ang MLBB sa mga pinakasikat na mobile MOBA sa buong mundo. Suportado ng malaking fan base ang laro, patunay na lang ang dami ng tournament viewers nito kumpara sa Dota 2 noong nakaraang taon, ayon sa Esports Charts.
Ngayong taon, naghahanda na ang Moonton sa opisyal na launch ng laro sa China.
MLBB ilalabas sa China ngayong taon ayon sa mga leak

Pumutok ang usapan matapos i-tweet ni hesketh2, isang staff ng Liquipedia, na nagkakaroon ng internal testing ang Bytedance ng Chinese version ng MLBB na tinatawag na “Win the Peak.”
May mga umiikot din na pictures sa social media tampok ang ilang MLBB heroes at kung paano ito nabago sa Chinese version ng MLBB. Sa kabila nito, wala pa ring opisyal na pahayag ang Moonton.

Kung ilalabas ang laro sa bansa, makikipaglaban sito sa pinakamalalaking titulo sa mobile esports space gaya ng Honor of Kings ng Tencent, na namamayagpag na simula pa noong 2015, at League of Legends: Wild Rift, na nilabas noong nakaraang taon.
Ang paglago ng MLBB at ang potensyal na magkaroon ng MPL China

Ayon sa Statista, higit sa US$47 bilyon (o higit ₱2 trilyon) ang gaming revenue ng China noong nakaraang taon, at higit sa 76 na pursyento dito ay mula sa mobile games.
Dagdag ng report, may 656 million mobile gamers ang rehiyon noong nakaraang taon, kaya naman tiyak na magiging game-changer ang paglabas ng MLBB dito.
Sa pagkakatatag ng MLBB esports scene sa Brazil, Cambodia, at MENA, ‘di na maipagkakaila ang pagdomina ng ng laro lalo na kung magkakaroon ng MPL China.
Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa MLBB at MPL Philippines, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: 5 Mobile Legends assassins na nagniningning sa team fights