Walong linggong naglaban-laban ang pinakamahuhusay na MLBB players sa MPL ID Season 9. Maraming bakbakan ang nagtapos gaya ng inaasahan pero meron ding mga resultang nakakasurpresa.
Narito ang recap ng huling linggo ng regular season ng MPL ID Season 9.
MPL ID Season 9 Week 8 Recap

Abril 8 (Biyernes)
| KOPONAN | RESULTA | KOPONAN |
| Alter Ego | 2-0 | Aura Fire |
| EVOS Legends | 2-0 | Bigetron Alpha |
Sa opening match ng ikawalong linggo, nakaharap ng Alter Ego ang Aura Fire, na naghahabol ng puntos para makasampa sa upper bracket ng playoffs. Kaso nga lang, hindi sila pinapuntos nina Udil para magtapos ang serye sa iskor na 2-0.
Sinundan ang seryeng ito ng tagumpay ng EVOS Legends kontra Bigetron Alpha. Nangibabaw sa laban si Ferxiic para mawalis ng kanyang koponan ang kanilang kalaban.
Abril 9 (Sabado)
| KOPONAN | RESULTA | KOPONAN |
| ONIC Esports | 2-0 | Geek Fam ID |
| Aura Fire | 2-0 | Rebellion Zion |
| EVOS Legends | 1-2 | RRQ Hoshi |
Kontra Geek Fam ID na namamalagi sa ilalim ng standing, hindi na nahirapan ang ONIC Esports na maselyo ang kanilang slot sa upper bracket. Sa kabilang banda, bigo naman ang Aura Fire na maka-alpas sa upper bracket kahit pa nanaig sila kontra Rebellion Zion.
Nagtapos ang ikalawang araw sa El Clasico sa pagitan ng RRQ Hoshi at EVOS Legends. Napatunayan ni Psychoo, na na-demote sa unang pagkakataon ngayong season, na karapat-dapat pa rin siya sa main roster ng RRQ Hoshi. Ang pagpapakitang-gilas niya bilang Kagura sa huling dalawang laro ng serye ang nagsalba sa Kings of Kings para maipanalo ang laban.
Abril 10 (Linggo)
| KOPONAN | RESULTA | KOPONAN |
| Rebellion Zion | 2-0 | Geek Fam ID |
| ONIC Esports | 2-1 | Alter Ego |
Bakbakan sa pagitan ng dalawang koponang namamalagi sa ilalim ng standing ang bungad ng huling araw ng regular season. Gaya ng inasahan ng karamihan, madaling nanaig ang Rebellion Zion kontra Geek Fam ID.
ONIC Esports at Alter Ego naman ang bumida sa huling serye ng regular season. Nagpakitang-gilas ang roamer ng ONIC Esports na si Kiboy sa deciding map ng serye.
Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa MLBB at MPL Indonesia, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.