Magsisimula na sa ika-28 ng Abril ang MPL PH Season 9 playoffs tampok ang anim na koponang nangibabaw sa walong linggong regular season—RSG PH, TNC Pro Team, ECHO, Nexplay EVOS, ONIC Philippines, at Smart Omega.

Nakataya sa huling yugto ng gumugulong na season ang tumatagingting na ₱3.8 milyon na prize pool, ang pinaka-aasam na kampeonato, pati na rin ang pagkakataon na maging kinatawan ng bansa para sa paparating na Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asian Cup (MSC) 2022.

Narito ang mga detalyeng kailangan mong malaman tungkol sa MPL PH Season 9 playoffs, gaya ng schedule, resulta, format, at kung saan mapapanood.

Schedule at resulta ng MPL PH Season 9 playoffs

Iraraos ang MPL PH Season 9 playoffs simula ika-28 ng Abril hanggang ika-isa ng Mayo.

Abril 28 (Huwebes)

KOPONANRESULTAKOPONAN
ECHO0 – 3Smart Omega
Nexplay EVOS2 – 3ONIC Philippines

Abril 29 (Biyernes)

KOPONANRESULTAKOPONAN
TNC Pro Team3 – 1Smart Omega
RSG PH3 – 0ONIC Philippines

Abril 30 (Sabado)

KOPONANRESULTAKOPONAN
Smart Omega3 – 0ONIC Philippines
TNC Pro Team0 – 3RSG PH

Mayo 1 (Linggo)

KOPONANRESULTAKOPONAN
TNC Pro Team0 – 3Smart Omega
RSG PH4 – 1Smart Omega

(I-a-update ang mga resulta ayon sa takbo ng laban).

Format ng MPL PH Season 9 playoffs

MPL PH Season 9 playoffs: Schedule, resulta, format, at saan mapapanood
Credit: MPL Philippines, ONE Esports

Magsisimula ang MPL PH Season 9 playoffs sa play-ins stage sa pagitan ng third seed at sixth seed, maging ang 4th seed at fifth seed. Dahil sa bagong rule na inimplementa bago magsimula ang gumugulong na season, nabigyan ang RSG PH at ECHO ng kapangyarihan para pumili ng kanilang makakaharap.

Ang koponang mananalo sa play-ins ay makakapasok sa upper bracket ng playoffs, kung saan naghihintay ang first at second seeds. Ang matatalo naman ay mae-eliminate.

Double-elimination ang format ng playoffs. Lahat ng serye, maging ang play-ins, ay best-of-five, maliban sa grand final na best-of-seven.

Saan mapapanood ang MPL PH Season 9 playoffs

MPL PH Season 9 playoffs: Schedule, resulta, format, at saan mapapanood
Credit: MPL Philippines

Bilang parte ng adhikain ng Moonton na unti-unting ibalik ang live audience, nag-anunsyo ito ng watch party sa mga piling SM Cinemas.

Sa halagang ₱170, maaari nang mapanood ang aksyon sa big screen. Ang bawat tiket ay may kaakibat na ring libreng popcorn at MLBB in-game item codes na nagkakahalagang ₱399. Narito ang detalye kung paano bumili ng tiket para sa MPL PH Season 9 playoffs watch party.

Samantala, maaari rin namangg subaybayan ang mga bakbakan sa playoffs sa mga sumusunod na channels:

CHANNELLENGGWAHE
MPL Philippines FacebookFilipino
MPL Philippines YouTubeFilipino
MPL Philippines TikTokFilipino
Mobile Legends: Bang Bang YouTubeEnglish
Mobile Legends Esports FacebookEnglish

Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa MLBB at MPL Philippines, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Blacklist coach BON CHAN naniniwalang RSG PH ang mananalo sa MPL PH Season 9