Ang Neon Shingetsu Pharsa ay ang unang Epic skin ng hero mula nang ito’y mailabas noong 2017 sa Mobile Legends: Bang Bang.

Mahalagang banggitin na ang skin na ito ay isang pagbabago mula sa dati niyang hitsura, sapagkat ito’y nagtatampok ng isang futuristic theme.

Kakaiba sa mga nakaraang skin niya, ang Neon Shingetsu Pharsa ay may makulay na pink at purple na kasuotan kasama ang mga kapansin-pansing makulay na special effects para sa kanyang mga skills.

Nagbibigay ang skin na ito ng isang sulyap kung anong magiging itsura ng Wings of Vengeance kung siya’y mag-eexist isang libong taon sa hinaharap.



Preview ng character model at skill effects ng Neon Shingetsu Pharsa

Neon Shingetsu Pharsa character model
Screenshot by Jules Elona/ONE Esports

Sa skin na ito, si Pharsa ay may suot na makabagong kimono na puno ng mga matitingkad na shade ng purple at pink.

Ang kanyang weapon ay sumailalaim sa isang kahanga-hangang pagbabago, kung saan ito’y may gintong mga talim na bumabalot sa isang makinang asul na energy orb sa kanyang gitna.

Kahit si Verri, ang tapat na alaga ni Pharsa, ay nagkaroon din ng makulay na pagbabago.

Mobile Legends mage hero Pharsa
Credit: Moonton Games

Si Verri ngayon ay may solidong makintab na katawan na may mga pakpak na gawa sa ginto, na bagay na bagay sa pangkalahatang aesthetic ni Pharsa.

Pagdating naman sa kanyang mga skills, si Pharsa ay lumilikha ng buhay na fusion ng asul at lila na enerhiya sa bawat isa sa kanyang mga skills.

Ang mga mamalasin na mahuhuli sa kanyang mga abilities ay magkakaroon ng glitched emblem ng kanyang staf na makikita sa kanilang mga ulo na parang ibinigay ng isang hindi pangkaraniwang kapangyarihan.

Neon Shingetsu Pharsa ultimate Feathered Air Strike effects preview
Screenshot by Jules Elona/ONE Esports

Ang mga abilities na ito ay nagpapakita ng isang kahanga-hangang palabas kapag ito’y ginagamit sa mga team fight.

Ang kanyang ultimate na Feathered Air Strike ay nakakaagaw ng atensyon habang ito’y nagpapalipad ng isang kahanga-hangang bugso ng violet na enerhiya sa lokasyon kung saan ito binitawan.



Ang skin ay inilabas sa in-game store simula noong October 16 para sa 899 diamonds.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

READ MORE: Kontrahin si Valentina gamit ang 3 hero na ‘to sa Mobile Legends