Ang mage hero na si Odette ng Mobile Legends: Bang Bang ay kilala dahil sa kaniyang matinding damage habang tumatagal.

Kaya niya ring pabagalin ang mga kalaban gamit ang Avian Authority, at ma-immobilize ang mga ito gamit ang Blue Nova, para ma-set up ang kaniyang ultimate na Swan Song.

Matinding magic damage per second ang naidudulot ng Swan Song sa loob ng isang circular area, at nagbibigay din ito sa kaniya ng makapal na shield.

Dagdag pa riyan, kaya niya ring mag-dash in sa isang direksyon habang ginagamit ang kaniyang ultimate, para makatakas siya sa mga crowd control effects na sagabal sa kaniyang ultimate.

Ngunit maari siyang makontra nang epektibo gamit ang mga mabisang skill combo at CC abilities.

IBA PANG MLBB GUIDES
Swak ang bagong item na Starlium Scythe sa mages na ito sa Mobile Legends
Athena’s Shield o Radiant Armor? Alamin kung ano ang dapat bilhin
MLBB 101: Ang Roam na role, mga dapat gawin, at mga hero para dito
Blade Armor o Antique Cuirass: Alin ang mas mahusay na physical defense item?
War Axe kay X.Borg? Alamin kung bakit sobrang OP ng hero-item combi na ito

Tatlong malakas na hero counters laban kay Odette sa Mobile Legends: Bang Bang 

Kadita

Mobile Legends: Bang Bang Hydromancer Kadita skin wallpaper
Credit: Moonton Games

Si Kadita ang isa sa mga mage heroes na may pinaka-nakakamatay na combos sa Land of Dawn. 

Ang kaniyang pangalawang skill, ang Breath of the Ocean ay mayroong airborne effect na kayang pigilan ang ultimate ni Odette. Mahusay din siya gamit ang Petrify battle spell, na kayang harangan ang Swan Song. 

Bilang Kadita, hintayin siyang mag-cast ng Swan Song. Kapag ginawa na niya ito, lapitan siya gamit ang Ocean Ode, at i-immobilize siya at i-kansela ang kaniyang ultimate gamit ang Petrify. 

Sundan ito ng Breath of the Ocean at Rough Waves para mapatumba siya. 

Kung hindi available si Kadita, mabisang alternatibo din sina Vale at Aurora, dahil mayroon silang mga CC spells na mapapawalang-bisa ang Swan Song ni Odette para makapag-set up ng mga nakakamatay na combos. 

Saber

Credit: Moonton Games

Gamit ang kaniyang combo, kayang-kaya mapatumba ng assassin hero na si Saber ang mga squishy targets tulad ni Odette. 

Ang kaniyang point-targeted ultimate na Triple Sweep, ay may kakayahan harangan ang Swan Song ni Odette dahil sa airborne effect nito. 

Kapag na-activate na niya ang Swan Song, gamitan ito ng full combo para ma-eliminate siya. 

Simulan ito sa pag-cast ng Orbiting Swords, at sundan ng Charge para mapasikip ang distansya sa kaniya. Tapusin ito ng Triple Sweep. 

Chou

Mobile Legends: Bang Bang ECHO Chou skin wallpaper
Credit: Moonton Games

Isang solid na pick si Chou laban kay Odette dahil sa kaniyang mahusay na skill set at versatility. 

Mayroong dalawang abilities ang fighter hero na ‘to na kayang pigilan ang Swan Song: ang Jeet Kune Do at The Way of Dragon, na parehas na may airborne effects. Dagdag pa dito, kaya niya ring umiwas sa immobilizing effect ng Blue Nova gamit ang Shunpo. 

Para umpisahan ang iyong assault, gamitin ang iyong dalawang cast ng Jeet Kune Do at sundan ng Shunpo para makalapit sa kaniya. Tirahin siya gamit ang pangatlong Jeet Kune Do para mapatumba at harangan ang kaniyang ultimate. 

Gamit ang The Way of Dragon, sipain siya patungo sa iyong mga kakampi o sa allied turret para mapaslang siya. 

Kung naglalaro ka gamit ang tank na si Chou, mag-invest sa Radiant Armor para mabawasan ang kaniyang magic DPS output. 

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang gabay tungkol sa Mobile Legends. 

BASAHIN: 4 roaming blessings sa Mobile Legends at best heroes para sa mga ito