Buo ang tiwala ng kapitan ng Blacklist International na si Johnmar “OhMyV33NUS” Villaluna na magagawa niya at ng mga kakampi na makalamapas ng PH Combine upang mabuo ang SIBOL MLBB lineup na sasabak sa IESF 14th World Esports Championships ngayong Disyembre.

Ito ay ayon mismo sa batikang pro na nakapanayam ng media sa naganap na Philipiine Esports Organization (PESO) Thanksgiving Night, Huwebes ng gabi.


OhMyV33NUS tiwalang mapapasakamay ng SIBOL MLBB ang IESF kampeonato

Credit: PESO/ SIBOL

Malaman ang sagot ng “The Queen” ng hingan siya ng komento ng media tungkol sa SIBOL MLBB lineup na ipapadala sa Bali, Indonesia.

Aniya, “Naniniwala naman ako sa chemistry namin as five. Naniniwala rin ako sa individual skills ng isa’t isa and I’m confident na whatever happens, kakayanin naming lima na as much as possible, mabuo kami.”

Mababalikan na player selection na ang gumugulong na proseso ng pagpili ng PESO para sa ipapadalang roster, taliwas sa ginawang team selection process noong 31st Southeast Asian Games (SEAG) sa Vietnam.

Bagamat nanaig sa Phase 2 qualifiers kamakailan kontra MHRLK Esports ay hindi nito sinisigurado na ang bawat miyembro ng M3 World Championship team ay masasabak sa WEC.

Credit: Moonton

Sa pagkakataong mabubuwag ang main 5 ng Blacklist, nanatiling tiwala si OhMyV33NUS sa kakayahan ng lineup, “If ever na mixed ‘yung roster or ma-chop chop ‘yung Blacklist with MHRLK, I think kayang-kaya naman namin.”

“We’re super confident that we can win the IESF kasi napatunayan naman namin ‘to last SEA Games kung gaano namin dinominate and pinanalo ‘yung SEA Games even na meron kaming tatlong rookies,” dagdag pa ng Blacklist captain.


PH Combine gumugulong na

Credit: SIBOL

Kasalukuyang gumugulong ang PH Combine kung saan nilikom ang mga miyembro ng top 2 teams mula Phase 2 Qualifiers sa layuning makita ang individual performance ng mga ito.

Sa naturang programa, binuwag ang komposisyon ng dalawang teams at bumuo ng pool of players na hinahati naman sa red at blue team. Magpapatuloy ang combine hanggang July 17.

Sundan ang pinakahuli sa MLBB sa pamamagitan ng pagsubaybay sa ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: SIBOL: ‘Patunay ang naganap na IESF qualifier sa husay ng Pinoy MLBB teams’