Nilinaw ng SIBOL ang magiging proseso sa pagpili ng MLBB players para sa paparating na 14th World Esports Championship ng International Esports Federation (IESF).

Pinangibabawan ng Blacklist International at MHRLK Esports ang ginanap na national qualifier nitong nakaraang linggo. Ang dalawang nasabing grand finalist ang sasabak sa MLBB combine, isang event kung saan paglalaban-labanin ang mga manlalaro.

Ang mga mangyayari sa tatlong araw na combine ang magiging basihan para mapili kung sino-sino ang mga ipadadala sa Bali, Indonesia bilang kinatawan ng Pilipinas.

‘Data-driven’ ang pagpili ng MLBB players para sa 14th WE Championship

Proseso sa pagpili ng MLBB players para sa 14th WE Championship, ibinahagi ng SIBOL
Credit: Blacklist International, MHRLK Esports

Sa isang panayam ng ONE Esports, inilatag ng General Manager ng SIBOL na si Jab Escutin ang proseso ng pagpili ng MLBB players para sa gaganaping patimpalak.

Nilinaw din niya na magsisilbi bilang representative coach si BON CHAN, bilang coach ng nanalong koponan, bagamat hindi sa kanya manggagaling ang desisyon kung sino-sino ang mga manlalarong bubuo sa SIBOL.

“[Coach BON CHAN] has recommending powers, alongside the secondary coach… The person that’s going to make the final recommendation is our overall head coach,” paliwanag ni Escutin.

Ang pagbabasihan ng mga team coach para sa kanilang rekumendasyon ay ang mga datos na makakalap mula sa tatlong araw na combine. Ibibigay nila ito sa overall head coach na si Ralph Andrei “Leathergoods” Llabres, na magrerekumenda naman sa kumite ng SIBOL.

Proseso sa pagpili ng MLBB players para sa 14th WE Championship, ibinahagi ng SIBOL
Credit: ONE Esports

Bilang huling hakbang, ieendorso naman ng SIBOL ang mga nirekemundang manlalaro para aprubahan ng Philippine Esports Organization (PeSO). Ito raw ay para masiguro na wala nang makapipigil sa pagsabak ng koponan sa international events.

Bukod sa mga datos na makukuha sa scrims, pagbabasihan din daw ang pagkapropesyunal ng mga manlalaro at kagustuhang maglaro kasama ang iba’t-ibang players bilang kinatawan ng Pilipinas.

“Professionalism is also part of the factors that we’re looking at, that’s why we have the combine also,” dagdag ng SIBOL executive.

At dahil datos ang pagbabasihan ng desisyon, hindi raw kailangan na bubuuin ng mga manlalaro sa dalawang koponan ang susunod na SIBOL.

Proseso sa pagpili ng MLBB players para sa 14th WE Championship, ibinahagi ng SIBOL
Credit: IESF

“The combine only requires you to pick the best for the role. Parang teamless ka pagpasok mo ng combine… if, let’s say, each person in BON CHAN’s team is best for the role… it is what it is,” paglilinaw ni Escutin.

Nakatakdang ganapin tatlong araw na MLBB combine simula ika-15 hanggang ika-17 ng Hulyo. Samantala, idaraos naman ang 14th WE Championship sa Disyembre.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Coach Arcadia sisibat na mula ECHO