Magkahalong pagkasabik at pangamba ang nararamdaman ng mga Pinoy Mobile Legends fans sa paparating na pukpukan ng ONIC PH at Smart Omega sa Day 2 ng MPL Invitational 2021 Group Stages.

Magtatapat ang dalawa sa pinakamababangis na Filipino teams alinsunod sa tinaguriang “bracket of death” na inilatag ng Team SMG mula Malaysia, kung saan pinagharap-harap ng MPL MY S8 Champions ang pinaka-malalakas na kupunan galing Indonesia at Pilipinas.


Reaksyon ng mga miyembro ng ONIC PH at Smart Omega sa PH vs PH bakbakan

Credit: Jomie “Pakba1ts” Abalos

Nakatanggap ng samu’t-saring komento mula sa mga miyembro ng ONIC PH at Smart Omega ang paghuhulma ng Team SMG sa nasabing bracket, na kinatampukan din ng Indonesian bersyon ng El Clasico sa pagitan ng RRQ Hoshi at EVOS Legends.

Tinawanan na lamang ng batikang midlaner ng ONIC PH na si Allen “Balyoskie” Baloy ang naganap na drafting mula sa Malaysian team, habang nanatili na lamang na positibo ang Smart Omega Coach na si Jomie “Pakba1ts” Abalos.

https://twitter.com/Pakba1tss/status/1454787640159457292

Nauna ng hiniling ng ONIC PH Coach na si Denver “Yeb” Miranda na sana raw ay magkahiwalay ng mga brackets ang mga PH teams na kalahok sa MPLI 2021. Bagamat hindi natupad ito, nanatiling makabayan ang utak sa likod ng MPL PH 1st placers.

“Let’s go PH numbawan!” ani ng Coach.

ONIC PH at Smart Omega sa MPL PH Season 8

Credit: MPL Philippines/ Screenshot ni Calvin Trilles ng ONE Esports PH

Nauna ng nagtapat ang ONIC PH at Smart Omega sa upper bracket ng MPL PH Season 8 Playoffs kung saan mabilis nilang winalis ang Smart Omega para iselyo ang unang tiket sa Grand Finals.

Malaki ang ginampanan ng ONIC PH gold laner na si Marky “Markyyyyy” Capacio para sa 3-0 sweep, na sinabayan pa ng magilas na galawan sa jungle ni Kairi “Kairi” Rayosdelsol.

Credit: MPL Philippines/ Screenshot ni Calvin Trilles ng ONE Esports PH

Mababalikan din na sa MPL PH Season 8 Regular Season, ONIC PH pa rin ang nanaig sa dalawang seryeng kinatampukan nila kasama ang Smart Omega.

Pinataob ng kupunan ni Coach Yeb ang Omega sa Week 1 Day 2 at Week 5 Day 1 matchups nila sa parehong 2-1 score.

Sundan ang pinakahuling resulta ng MPL Invitational 2021 sa pamamagitan ng pagsubaybay sa Facebook page ng ONE Esports PH.