Nairaos na ang unang El Clásico match sa pagitan ng RRQ Hoshi at EVOS Legends sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia (MPL ID) Season 9 pero maraming pa ring dapat pag-usapan.

Isa na dito ang dahilan ng pagkakatalo ng RRQ Hoshi sa iskor na 1-2.

Maganda ang ipinakitang performance ng RRQ Hoshi sa unang mapa lalo na’t tampok dito ang pagbabalik ni Muhammad “Lemon” Ikhsan matapos ang mahaba-habang pahinga.

Pagkatalo ng RRQ Hoshi kontra EVOS Legends sa MPL ID S9 El Clásico, ipinaliwanag ni Coach Fiel
Credit: YouTube/Mobile Legends: Bang Bang

Sa kabila nito, nangibabaw pa rin ang EVOS matapos kunin ang dalawang sumunod na mapa ng serye.

Pagka-carried away daw ang dahilan ng pagkatalo ng RRQ Hoshi kontra EVOS Legends, ayon kay Coach Fiel

Pagkatalo ng RRQ Hoshi kontra EVOS Legends sa MPL ID S9 El Clásico, ipinaliwanag ni Coach Fiel
Credit: Instagram/rrq_fiel

Sa isang video na in-upload ng Team RRQ sa kanilang opisyal na YouTube channel noong ika-10 ng Marso, ibinunyag ni Coach Fiel ang mga factor na nag-contribute sa kanilang pagkabigo.

“Pada match pertama melawan EVOS, kami memiliki pocket strat yang berhasil dikeluarkan. Dengan kedisiplinan dan pengambilan keputusan yang sangat baik, menghadirkan hasil yang sangat memuaskan,” kuwento ni Fiel.

(Sa unang laro kontra EVOS, may pocket strat kami na natanggal. Sa tulong ng disiplina at mahusay na decision-making, maganda ang kinalabasan nito.)

“Di match kedua dan ketiga, kami terlalu terbawa dengan gameplay milik EVOS, dan itu membuat kami menjadi kurang disiplin dan memiliki pengambilan keputusan yang tidak baik, sehingga hasilnya juga kurang memuaskan,” dagdag niya.

(Sa ikalawa at ikatlong mapa, masyado kaming na-carried away sa gameplay ng EVOS. Hindi kami naging masyadong disiplinado at ‘di rin naging maganda ang decision-making namin kaya’t ‘di rin kagandahan ang naging resulta nito.)

Dahil sa pagkatalo ng RRQ Hoshi kontra EVOS Legends, ‘di malabong mas mahirapan silang maagaw ang tugatog ng standings mula sa ONIC Esports at Aura Fire.

Kasalukuyang naka-upo ang RRQ Hoshi sa ikatlong puwesto ng standings nang may apat na panalo at dalawang talo matapos ang kanilang tagumpay kontra Rebellion Zion.


Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa MLBB at MPL Philippines, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Clayyy ng RRQ Hoshi pinuri ang Rebellion Zion matapos ang kanilang laban sa MPL ID Season 9