Sa gumulong na Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup 2022 (MSC 2022) Group Stages, isinalang ng 12 sa pinakamagagaling na teams sa rehiyon ang kani-kanilang mga strats sa para sa tiyansang makapasok sa playoffs.
Sa parehong group phase, madaling mapansin na may mga heroes na muli’t-muling isinasabak sa draft. Madalas, dito pinaikot ng mga koponan ang kanilang komposisyon gayundin ang kanilang mga rotations. Sinu-sino ba ang mga ito?
10 high priority heroes sa MSC 2022 Group Stage

Gumulong ng dalawang araw ang MSC 2022 group stage kung saan napanood ng mga miron ang matitinding bakbakan na inihandog ng mga teams mula Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Myanmar, Thailand at Cambodia.
Dito rin lumabas ang pagkagamay ng mga koponan sa meta play, lalo pa’t kalalabas pa lamang ng MLBB patch 1.6.84 na sinubukang mag-adjust ng mga heroes para maibalik sa meta.
May mga heroes na nanatiling high-priority sa draft tulad na lamang ng Ling, ngunit may mga heroes din na binigyan ngayon ng mas mataas na prayoridad sa team composition tulad na lamang ng Akai.
Makikita sa hero stats na ito mula MSC 2022 Group Stage ang daloy ng meta, na inaasahang magdidikta din ng galawan sa paparating na Playoffs.
| HERO | DRAFT APPERANCE (%) | PICKS | BANS | WIN RATE |
| Wanwan | 24 (100.00%) | 8 | 16 | 75.00% |
| Akai | 24 (100.00%) | 8 | 16 | 50.00% |
| Julian | 24 (100.00%) | 7 | 17 | 57.14% |
| Ling | 23 (95.83%) | 10 | 13 | 50.00% |
| Valentina | 23 (95.83%) | 1 | 22 | 100.00% |
| Xavier | 22 (91.67%) | 9 | 13 | 22.22% |
| Esmeralda | 20 (83.33%) | 14 | 6 | 71.43% |
| Fanny | 20 (83.33%) | 3 | 17 | 100.00% |
| Yve | 19 (79.17%) | 9 | 10 | 55.56% |
| Franco | 19 (79.17%) | 7 | 12 | 85.71% |
Hindi malaki ang pagbabago sa prayoridad sa Wanwan, Valentina at Akai, ngunit mapapansin na may mataas na appareance rate ang bagong hero na Julian na na-pick ng 7 beses at na-ban naman ng 17 beses. Hindi na kagulat-gulat ito dahil kakaiba ang kakayahan ng fighter/mage lalo na kung magagamit ng maigi sa komposisyon.

Mababalikan na ito ang hero ginamit ni Jonard Cedrix “Demonkite” Caranto ng RSG Philippines para walisin ang RSG Singapore sa Group B, at ni Patrick “E2MAX” Caidic para ibaon ang IDONOTSLEEP sa primerang bakbakan nila sa Group C.
Nanatili ding high-priority sa pick at ban ang Yve, Fanny at Xavier gaya ng nakalipas na drafting behavior sa naganap na 31st SEA Games MLBB Event.
Nasa listahan ba ang iyong paboritong hero?
Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook.