Ang mga resultang nakuha nila Muhammad “Rippo” Halim at Bigetron Alpha sa unang half ng regular season ng MPL Indonesia Season 10 ay hindi gaanong kaaya-aya. Kaya naman may mga nag-predict na hindi sila makakapasok sa playoffs.

Matapos laruin ang lahat ng pitong serye sa first leg, dalawa lang ang naipanalo ng Bigetron. Winalis nila ang Rebellion Zion, 2-0, sa unang linggo ng liga at nakuha lang ang sunod na panalo sa ikaapat na linggo nang talunin nila sina Pinoy roamer Allen “Baloyskie” Baloy at Geek Fam ID sa iskor na 2-1.

Kung tutuusin, dumaan ang BTR, na ibinabandera ni Pinoy gold laner Marky “Markyyyyy” Capacio, sa isang five-match losing streak. Dagdag pa rito, tila madaling napapataob ng mga kalaban ang kanilang laro.

Marami tuloy ang nagsabi na ‘di sila makakaabot sa playoffs, kabilang na riot sina dating EVOS Legends player Maxhill “Antimage” Leonardo, retired pro Jonathan “Emperor” Liandi at caster Moch Ryan “KB” Bautista.



Ang tugon ni Rippo sa mga prediksyong ‘di sila makakapasok sa MPL ID S10 playoffs

Bilang tugon dito, inamin ni Bigetron EXP laner Rippo na ‘di pa malinis ang laro nila bilang isang koponan. Pero para sabihin na hindi sila makakapasok sa playoffs, masyado pang maaga umano para masabi ito.

“It’s only the first leg. In the second leg, of course, I hope that Bigetron Alpha will not fail, because qualifying for the playoffs is our target,” sabi ni Rippo sa panayam sa ONE Esports.

“Hopefully in the second leg we can get better and don’t judge everything too early,” dagdag pa niya.

Sina Rippo at Bigetron Alpha
Credit: ONE Esports

Sa pagtatapos ng Week 4, umangat sa No. 6 sina Rippo at Bigetron sa hawak ang 2-5 record sa MPL ID standings. Naangatan nila ang Rebellion Zion dahil lang sa aggregate points.

Samantala, nasa dulo pa rin sina Baloyskie at Geek Fam ID na may 1-6 record. Sa kabila nito, nananatiling dikit ang BTR, Rebellion at Geek sa huling tatlong pwesto at ang bottom two ay malalaglag sa pagtatapos ng regular season.

Credit: MPL Indonesia

Interesanteng makita kung mag-i-improve pa ba sina Rippo at BTR para lalong makaangat at makaharap ang mga koponan sa playoffs. Lalo na ngayong mas dikdikan at mas mahirap hulaan ang resulta ng mga laban kumpara sa mga nakalipas na season.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga balita patungkol sa Mobile Legends at MPL.


Hango ito sa katha ni Verdi Hendrawan ng ONE Esports Indonesia.