Opisyal nang ipinakilala ang roster ng ECHO para sa ika-10 season ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippiones (MPL PH) at tampok dito ang dalawang players sa bawat role.

Palalakasin ng dalawang rookies na sina Justine “Zaida” Palma, na galing AP Esports, Alston “Sanji Pabico, mula PPG Esports, ang bagong roster ng mga Orca. Tampok din ang dalawang MPL PH players na sina Sanford “Sanford” Vinuya, na naglaro para sa Nexplay EVOS noong ikawalong season ng liga, at Johnville “Outplayed” Villar, na kabilang sa roster ng Smart Omega noong nakaraang season.

Balik na rin sa roster ng ECHO ang two-time MPL PH champion na si Jaypee “Jaypee” Dela Cruz na magpapakitang-gilas sa bago niyang role bilang roamer.

Pupunan naman ng mga bagong coach na sina Archie “Tic Tac” Reyes at Robert “Trebor” Sanchez ang puwang na iniwan ni Michael “Arcadia” Bocado, na umalis sa organisasyon matapos ang limang seasons.

Kumpletong roster ng ECHO para sa MPL PH S10

  • Karl Gabriel “KarlTzy” Nepomuceno (Jungler)
  • Justine “Zaida” Palma (Jungler)
  • Tristan “Yawi” Cabrera (Roamer)
  • Jaypee “Jaypee” Dela Cruz (Roamer)
  • Jankurt “KurtTzy” Matira (Midlaner)
  • Alston “Sanji” Pabico (Midlaner)
  • Frediemar “3MarTzy” Serafico (EXP laner)
  • Sanford “Sanford” Vinuya (EXP laner)
  • Benedict “Bennyqt” Gonzales (Gold laner)
  • Johnville “Outplayed” Villar (Gold laner)
  • Archie “TicTac” Reyes (Head Coach)
  • Robert “Trebor” Sanchez (Assistant Coach)

Mapapansin na may tig-dalawa nang players sa roster ng ECHO para sa bawat role. Hindi na malabong magsabak ng dalawang set ng teams ang koponan para sa susunod na season, gaya ng ginawa nila sa national qualifier para sa 14th World Esports (WE) Championship ng International Esports Federation (IESF).

Samantala, matatagpuan naman ang kumpletong listahan ng roster changes papasok sa MPL PH Season 10 dito.


Para sa mga karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: SIBOL: ‘Patunay ang naganap na IESF qualifier sa husay ng Pinoy MLBB teams’