Tampok ang dalawang batikang manlalarong sina Jonard “Demonkite” Caranto at Arvie “Aqua” Antonio sa lineup ng RSG Philippines para sa isang turneong kinabibilangan ng mga koponan sa Southeast Asia.

Malaki ang papel na ginampanan ng naturang jungler at midlaner sa matagumpay na kampanya ng RSG PH noong ikasiyam na season ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines (MPL PH) at MLBB Southeast Asia Cup 2022 (MSC 2022).

Balik-aksyon ang dalawang RSG PH players na 'to para sa isang SEA tournament
Credit: ONE Esports

Pero bago magsimula ang ika-11 season ng liga, kapansin-pansin ang pagkawala ng pangalan ng naturang jungler at midlaner sa roster ng Raiders.

Ngayon, magbabalik sina Demonkite at Aqua tangan ang uniporme ng RSG PH para sa kanilang kampanya sa Kohai SEA Championship.



Demonkite at Aqua bibida sa kampanya ng RSG PH sa Kohai SEA Championship

Balik-aksyon ang dalawang RSG PH players na 'to para sa isang SEA tournament
Credit: RSG Philippines

Magpapakitang-gilas bilang pambato ng Pilipinas ang RSG PH, kasama ang Blacklist International, para sa Kohai SEA Championship, isang MLBB tournament kung saan tampok ang mga koponan mula sa Southeast Asia.

Bukod kina Demonkite at Aqua, kukumpletuhin nina John Paul “H2WO” Salonga, Hassan “Evorts” Menhas, Clarense “Kousei” Camilo, at John “Perkz” Sumawan, ang roster ng Kingslayers para sa naturang turneo.

Balik-aksyon ang dalawang RSG PH players na 'to para sa isang SEA tournament
Credit: Kohai Esports

Kalahok din sa turneo ang anim na koponan mula sa Malaysia na Homebois, Team SMG, Gamesmy Kespoc, Omen esports, Mao Esports, at MAB Esports.

Tampok din ang mga pambato ng Indonesia na Bigetron Alpha, Alter Ego, Aura Fire, Kagendra, Tiger Wong, Big Bang Club, at Megantara Legend.

Imbitado rin ang Cambodian team na SeeYouSoon sa turneo.

Idaraos ang turneo simula ika-isa hanggang ika-apat ng Hunyo. Masusubaybayan ito sa opisyal na TikTok page at YouTube channel ng Kohai Esports.


Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Coach Dale pamumunuan ang Team Outplay sa MSC 2023