Matapos maiselyo ang unang tiket sa MPL PH S9 grand finals, inamin ni Brian “Coach Panda” Lim at ng kaniyang RSG Philippines na hindi pa tapos ang kanilang biyahe papunta sa kanilang inaasam na kampeonato. Ngunit bago nila magawa ito, susubukan muna silang hadlangan ng mananalo sa lower bracket finals sa pagitan ng TNC Pro Team ML at Smart Omega.
Sa press conference matapos patumbahin ang TNC, 3-0, ibinahagi ng beteranong coach katuwang ng kaniyang players kung sino nga ba sa dalawang natitirang teams ang mas mapanganib para sa kanila.
Light, Aqua, Nathzz at EMANN tinukoy na Smart Omega bilang mas ‘dangerous’ na team

Hindi itinago ng karamihan sa mga miyembro ng RSG PH na ang Smart Omega ang tinitignan nila bilang mas mapanganib na koponan na haharap sa kanila sa MPL PH S9 grand finals. Ipinunto nina Arvie “Aqua” Calderon, Nathaniel “Nathzz” Estrologo, Eman ‘EMANN’ Sangco pati na si Dylan “Light” Catipon ang gilas ng OMG sa late game.
Ayon kay Aqua, “Para po sa akin, Omega eh. Kasi sa meta parang updated rin sila tapos marami silang heroes tapos pagdating ng late game malakas din sila ‘tas alam nila yung ginagawa nila kung paano laruin yung sa late game.”
Para naman sa Season 9 MVP na si Light, parehos naman daw bigatin ang dalawang natitirang teams sa lower bracket ngunit hindi pa nila nasusubukang makipagbakbakan sa playoffs ang koponan ng mga kabaranggay.

Gayundin ang linyahan ng RSG PH gold laner na si EMANN tungkol sa team na sa tingin niya ay mas mapanganib para sa kanila sa MPL PH S9 grand finals. Aniya, “Di pa kasi namen sila nakakalaban ngayong playoffs. Tapos yung mga last na laban namen, parang pumapalag talaga nung last na laban namen [sic], 2-1 yung score.”
Simple at direkta naman ang komento ni Nathzz tungkol sa usapin. “Omega. Kasi lason daw sila eh. Tiyaka malakas daw sila sa late game sinabi nila.”
Si Jonard Cedrix “Demonkite” Caranto lamang ng nag-iisang player sa team na pumanig sa koponan ng TNC. Tiwala ang RSG PH jungler sa kakayahan at preparasyon ng koponan ng Phoenix Army kung sila man ang haharap sa kanila sa MPL PH S9 grand finals. “Para sa akin, TNC. Nasa isip ko, magiging prepared sila kung sila yung makakalaban namen sa finals.”
Coach Panda sa makakaharap nila sa MPL PH S9 grand finals: ‘ I would appreciate any of the teams that comes to us’

Batid ni Coach Panda ang lakas ng parehong teams na maaaring humadlang sa kanilang tangka na iuwi ang tropeyo ng MPL PH S9. 50-50 daw ang kaniyang pagtataya sa kung sinong team ang mas ‘dangerous’ para sa kaniyang RSG PH.
“So I think that TNC, objective, just need more execution. Then for Omega, very team fight oriented also objective at the same time. Tapos they can risk in their execution,” banggit ng championship coach. Ngunit bago sabihin ito, inilatag muna niya ang mga dahilan kung bakit parehong may banta ang teams para sa kanila sa gaganaping MPL PH S9 grand finals.
Ibinahagi niya na ramdam niya ang ipinakitang adjustment ng number 2 team TNC sa kanilang upper bracket showdown. Matalino daw ang pag-target ng koponan sa kanilang Beatrix at ramdam niya na malaki ang epekto nito sa kanilang drafting partikular na sa Game 3.

“The best thing about TNC I can commend is that they’re disciplined and their communication is so good. They get objectives. If they don’t get it, they try to find trades. Objective-based team, just like Blacklist. They just really need to improve on their execution siguro,” pag-aamin ng Coach.
Para naman sa panig ng Smart Omega, inihalintulad ni Coach Panda ang team sa isang “knife”.
“They are really a team that is like, a knife that can actually hurt you, a knife that can actually be a weapon. Sometimes it works, sometimes it doesn’t. So I’m not going to say its a 50-50. They are a team that is strong because they know how to play it. And once they can actually execute it very well, then thats also a dangerous team.”
Malalaman ang team na titindig kontra RSG PH sa MPL PH S9 grand finals sa lower bracket finals na gaganapin ngayong huling araw ng playoffs.
Sundan ang pinakahuling balita tungkol sa MPL sa pamamagitan ng pag-follow at pag-like sa ONE Esports Philippines sa Facebook.