Tinapos ng RSG PH ang kanilang kampanya sa group stage ng MSC 2022 nang nasa tugatog ng kanilang pangkat matapos walisin ang sister team na RSG SG sa huling serye ng araw.

Tatlong puntos muli ang na-iskor ng Kingslayers para makalikom ng anim na kabuuang puntos at maselyo ang kanilang puwesto sa upper bracket ng playoffs.

RSG PH Emann tinadtad ng bala ang RSG SG

Back-to-back MVP ang ipinarangal kay sa Pinoy gold laner sa kabila ng kanyang ipinamalas niyang husay.

Sa unang mapa ng serye, tiniyak niyang pagsisisihan ng RSG SG ang pagbigay sa kanya ng signature pick niyang Beatrix. Nauna na siyang magpakitang-gilas gamit ang hero kontra SeeYouSoon, kaya’t hindi na problema sa kanya ang magtala ng pinakamataas na bilang ng kills (walo), gold-per-minute (839), at damage dealt (75,546).

RSG PH pinalubog ang RSG SG; Hari ng Group B sa MSC 2022
Screenshot ni Maouie Reyes/ONE Esports

Madali namang natuto ang kampeon ng MPL Singapore pagpasok sa ikalawang mapa ng serye. Hindi na nila pinahawak sa 17-taong-gulang na pro ang nasabing Marksman matapos nila itong kunin para sa sarili nila.

Gayun man ang naging sitwasyon, napatunayan pa rin ni Emann na kargado pa rin siya ng bala nang ilabas ng RSG PH ang Claude para sa kanya. Siya ang responsable sa dalawa sa unang tatlong kills ng kanyang koponan, na nangyari bago pa mawala ang mga outer turret energy shield.

Pagkalipas ng mahigit 13 minuto, ang ikalawa sa pinakamabilis na game time ng pambato ng Pilipinas sa group stage, tinapos ni Emann ang laro nang may game-high pitong kills at 83,812 damage dealt.

RSG PH pinalubog ang RSG SG; Hari ng Group B sa MSC 2022
Screenshot ni Maouie Reyes/ONE Esports

Maghihintay ngayon ang RSG PH kung sino ang kanilang makakaharap sa playoffs.

Samantala, sisimulan naman bukas ng Smart Omega, isa pang kinatawan ng Pilipinas sa MSC 2022, ang kanilang kampanya sa group stage. Nakatakdang iraos ang una nilang laban sa turneo kontra IDONOTSLEEP Esports sa ganap na ika-12 ng tanghali.

Masusubaybayan ang mga laban sa turneo sa opisyal na livestreams na matatagpuan dito.


Para sa karagdagang balita sa esports, at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.