Matagumpay na binuksan ng RSG PH ang kanilang kampanya sa group stage ng MSC 2022 matapos walisin ang SeeYouSoon.

Bagamat bahagyang naudlot ang two-game series dahil sa technical issues, hindi naman nito napigilan ang pamamayagpag ng kasalukuyang kampeon ng MPL Philippines para maselyo ang tatlong puntos mula sa pambato ng Cambodia.

Nagsalitan sa pagpapakitang-gilas sina Eman “Emann” Sangco na gumamit ng Beatrix at MPL PH Season 8 rookie the season na si Jonard “Demonkite” Caranto sa kanyang signature hero na Karina.

Emann at Demonkite, bumida para sa RSG PH kontra SeeYouSoon

Hindi nalayo sa ipinamalas na galawan ng mga Pinoy para maselyo ang kampeonato ng MPL PH sa ipinakita nila sa unang laban nila sa MSC 2022.

Kahit sunod-sunod na ang ipinataw na nerf ng Moonton kay Beatrix, hindi naman ito alintana ng gold laner ng RSG PH. Nagawa pa rin niya kasing makilala bilang ang MVP ng unang mapa matapos magtala ng game-high 64,374 damage dealt, na nauwi sa anim na kills at limang assists.

RSG PH winalis ang SeeYouSoon para simulang ang kampanya sa MSC 2022
Screenshot ni Maouie Reyes/ONE Esports

Sa ikalawang mapa ng serye, nagawang patagalin ng SeeYouSoon ang laban matapos manakaw ng Ling ni Keo “Sensei” Sokkheng ang unang Lord. Bahagya rin nilang nadikit ang pagkakaiba sa gold, pero muling napunta sa RSG PH ang dikta ng laro matapos nilang ma-wipe out ang mga Cambodians bandang 13-minuto ng laban.

Libreng nakapag-Lord sina Nathanael “Nathzz” Estrologo at Demonkite dahilan para maubos ang natitirang outer turrets ng kanilang kalaban. Matiyagang naghintay ang dalawang koponan para sa Evolved Lord pero hindi na pala ito kinailangan. Nakapitas kasi ng tatlo ang RSG PH nang walang namamatay sa kanila bago lumabas ang nasabing objective.

RSG PH winalis ang SeeYouSoon para simulang ang kampanya sa MSC 2022
Screenshot ni Maouie Reyes/ONE Esports

Hindi kinaya ng Lylia ni Seng “Ember” Monyoudom at Claude ni Sovann “Raaa” Chanmakara ang dumepensa sa kumpletong puwersa ng RSG PH, dahilan para maselyo ng mga Pinoy ang mapa at ang serye.

Pinarangalan naman si Demonkite bilang ang MVP ng ikalawang mapa salamat sa ipinamalas niyang gilas gamit ang Karina. Siya ang nakapagtala ng pinakamaraming bilang ng assists sa laro at ang pinakamataas na gold-per-minute.

RSG PH winalis ang SeeYouSoon para simulang ang kampanya sa MSC 2022
Screenshot ni Maouie Reyes/ONE Esports

Nakatakdang ituloy ng RSG PH ang kanilang kampanya sa group stage ng MSC 2022 kontra kampeon ng MPL Singapore na RSG SG mamayang 7:30 p.m.

Para sa karagdagang balita sa esports, at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: MSC 2022 meta preview? Balikan ang nangyari sa SIBOL MLBB vs BTK show match