Si Minotaur ay isang mahusay na tank at support hero sa Mobile Legends: Bang Bang na mayroong mga crowd control at healing abilities.

Ang Despair Stomp ay nagbibigay sa kanya ng abilities na ma-knock up at pabagalin ang mga kalaban, habang ang Motivation Roar ay nagbibigay ng heal para sa kanyang sarili at mga malalapit na teammates.

Ang kanyang passive skill na Rage Incarnate ay may dalawang epekto. Una, ito ay nagpapababa ng depensa ng mga kalaban kapag siya ay nag-aapply ng control effect sa kanila. Pangalawa, ito ay nagpapataas ng depensa ng kanyang mga kasamahan kapag sila ay kanyang hini-heal.

Ang kanyang ultimate, Minoan Fury, ay matinding pinapabagal at pinapaangat sa ere ang mga kalaban sa isang malaking area, kung saan siya ay immune sa control effects habang ito ay ina-activate. Ang Minoan Fury ay nagbibigay-daan din sa kanya na pumasok sa Enraged State, na nagpapalakas sa lahat ng kanyang mga abilities.

Kung naghahanap ka ng mga hero na pwedeng ipangtapat kay Minotaur, isaalang-alang ang mga sumusunod.

IBA PANG MLBB GUIDES
Pigilan si Nolan gamit ang 3 best counters na ‘to
Kontrahin si Valentina gamit ang 3 hero na ‘to sa Mobile Legends
Gamitin ang 3 heroes na ‘to para kontrahin si Joy sa Mobile Legends
Talunin si Irithel sa Mobile Legends gamit ang 3 best counters na ‘to
Pabagsakin si Mathilda gamit ang 3 best counters na ‘to

Tatlong malalakas na hero counter kay Minotaur sa Mobile Legends: Bang Bang

Baxia

Credit: Moonton Games

Si Baxia ay isang mahusay na pick para labanan si Minotaur dahil sa kanyang passive ability na Baxia Mark, na malaki ang epekto sa pagbawas ng healing effect ng mga kalaban habang pina-pataas ang kanyang sariling depensa.

Kapag pumapasok ka sa opensiba bilang si Baxia, gamitin ang Baxia-Shield Unity para makalapit kay Minotaur.

Pagkatapos ay i-activate ang Tortoise’s Puissance para pabagalin siya at patuloy na i-apply ang Baxia Mark sa kanya, na nagbibigay daan sa iyong mga kasama na patumbahin siya.

Bumili ng Dominance Ice para lalong pahinain ang kanyang healing ability. Pumili ng mga defensive item ayon sa komposisyon ng kalaban, upang makapag-absorb ka ng damage mula sa kanila at hayaan ang iyong mga kaalyado na mag-focus sa pagbibigay ng damage.

Karrie

MLBB Karrie
Source: MLBB

Ang passive ni Karrie, Lightwheel Mark, nagbibigay sa kanya ng kakayahan na magdulot ng true damage na hindi apektado ng anumang depensa. Dahil dito ay itinuturing siyang isang malupit na banta laban sa mga tanky heroes, kasama na si Minotaur.

Kung lumalapit siya sa iyo, gamitin ang Spinning Lightwheel para pabagalin siya. I-activate ang Speedy Lightwheel para magkaruon ng dagdag na bilis sa pagkilos at mapalakas ang basic attack.

Upang mapanatili ang ligtas na distansya habang nagbibigay-damage, gamitin ang Phantom Step. Karagdagan pa, gamitin ang Purify bilang iyong battle spell para matanggal ang mga crowd-control skills niya.

Sa labang ito, mahalaga na makuha mo ang mga core items ni Karrie – Corrosion Scythe, Demon Hunter Sword, at Golden Staff. Ang mga items na ito, na tinatawag na Trinity Build, ay malaki ang naitutulong sa iyong attack speed, na nagpapadali ng pag-activate ng Lightwheel Mark.

Diggie

Mobile Legends: Bang Bang Pigeoneer Diggie skin
Credit: Moonton Games

Gamit ang kanyang ultimate na Time Journey, kaya ni Diggie na agad na alisin ang lahat ng debuffs sa kanyang sarili at sa kanyang mga kakampi, habang nagbibigay ng malupit na shield sa buong team. Ito ang dahilan kung bakit siya isa sa mga pinakamahusay na kontra kay Minotaur.

Kapag i-activate niya ang Minoan Fury, i-activate ang Time Journey upang protektahan ang iyong mga kaalyado. Sundan ito ng Reverse Time para pigilan ang kanyang pagtakas, at gamitin ang Auto Alarm Bomb para magdulot ng damage.

Upang lubos na mapakinabangan ang potensyal ng Time Journey, isaalang-alang ang pag-invest sa Fleeting Time upang pababain ang cooldown nito. Bukod dito, ang pagkuha ng Necklace of Durance ay magpapababa rin ng kanyang healing abilities.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Ang trabaho ng EXP Laner sa bawat phase ng laro, ayon sa mga pro