Nakatanggap ng buffs sina Phoenix, Yoru, at KAY/O sa Valorant patch 5.01, pero ang mukang ang robot na initiator ang pinakamasaya sa bagong patch.

Tinanggal na kasi ang line of sight requirement sa FRAG/ment grenade. Ibig sabihin, tumatagos na sa pader ang damage ng molly ni KAY/O.

Sa katunayan, epektibong counter na ‘to ngayon sa Lockdown ultimate ni Killjoy, dahil gaya ng Aftershock ni Breach, kaya na nitong maka-damage sa likod ng pader.

Counter na ang molly ni KAY/O sa Lockdown ni Killjoy

Buffed molly ni KAY/O, tagos na sa pader ang damage
Credit: Riot Games, ONE Esports

Napatunayan ng isang Twitter user na may handle na @careeerTwitch ang interaction sa dalawang abilities. Habang naglalaro sa Ascent, nasira ng molly ni KAY/O ang ultimate ni Killjoy sa mga default spots, gaya sa A Main, A Garden, at B Main.

Nasisira ng molly ni KAY/O ang Lockdown kahit pa nasa likod ng pader. Ibig sabihin, hindi na kailangan ipahamak ni KAY/O o sino man sa kanyang mga kakampi ang kanilang sarili para masira ito. Segundo na lang ang kailangan para makontra ng 200-credit na ability ang isang seven-point ultimate.

Kaya para sa mga Killjoy mains, kung Lockdown lang ang baon niyo sa pag-push, mas mainam kung may backup plan kayo lalo na kung may kalaban na KAY/O.


https://twitter.com/careertwitch/status/1547059457301139456?s=20&t=WCgU9b629rCrfSH4s8CkyA

Sinagot ng Valorant game designer na si Ryan “Rycoux” Cousart ang naturang tweet para linawing hindi bug ang naturang interaction.

“I know these look a bit weird but are definitely intended by the new design,” aniya. “These are the kinds of tradeoffs we work through on the balance side.”

“We took the bet because we liked the reliability of the zone for the base case but if this becomes too egregious we will find a fix.”

Bagamat pwede namang iurong nang bahagya ang pagtataniman ng Lockdown, maaaring hindi na nito masakop nang buo ang site o mapwersa ang mga kalaban na lumayo.

Bukod sa FRAG/ment grenade, nasisira rin ng Aftershock ni Breach, Hunter’s Fury at Shock Dart ni Sova, pati na rin Paint Shells Grenade ni Raze ang Lockdown ni Killjoy.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Garantisado ang wallbang kills sa mautak na Killjoy setup ng XERXIA sa Ascent B Main