Mas lalong lalaki pa ang kasalukuyang map pool ng Valorant. Ang dating tatlong maps ng tactical shooter ng Riot ay naging pito sa loob lamang ng dalawang taon, at may mga bagong maps pa na paaprating, na sasamahan ng kaunitng twist.

Sa isang nakaraaang Reddit AMA, ipinakita ng mga Riot developers ang mga dapat abangan sa bagong Valorant map, at kinumpirma na may ilang designs din silang ginagawa.

Bagama’t ang Episode 4 Act II ay tungkol lamang sa konting pag-aayos ng mga agents at maps, mukhang walang balak na huminto ang Valorant team sa pagtatrabaho para sa mga sususnod pa na Acts.

Ang bagong Valorant map ay sesentro sa isang geo-dome

Inulit ng Valorant Level Designer na si Joe Lansford ang mga hints na ibinigay nila noong nakaraang taon tungkol sa ginagawa nilang map. Itinuon niya ang pansin ng mga players sa mga email messages sa Fracture, na naglalaman ng mga clues tungkol sa bagong Valorant map.

Dalawang emails ang inilabas kasabay ng Fracture noong isang taon, na naka-address sa isang Ruben Pontes ng K Industries.

Sa parehong messages ay nabanggit ang isang “city-wide geo dome” na isang “modern wonder”. Sa isang email ay nabanggit din ang layunin ng geo-dome: upang protektahan ang lungsod mula sa pagbaha ng dahil sa dagat, dahil sa nabanggit na “Tidal forecast says we might even get to open the geo-dome for the [soccer] matches”.

Ayon sa nangungunang teroya, ang bagong mapa ay matatagpuan sa geo-dome na nasa Mirror Earth (o Earth-2), na may mas advanced technology kumpara sa Earth-1. Tumutugma ito sa tumatakbong kwento sa Valorant, kung saan gumagawa sina Neon at Killjoy ng portal upang makatawid ang Valorant Protocol papuntang Earth-2.

Ang paglabas ng bagong map ay maaaring sumabay kung kelan makakatawid ang Valorant Protocol.

Posibleng magkaron ng mirror at night maps

Valorant Bind Night
Credit: FoxicalOW

Bukod pa rito, tinitignan ng mga developers ang posibilidad ng pagkakaroon ng iba’t-ibang map variants, tulad ng night maps.

“As far as night-time maps go, maybe someday? Artists always love making stuff at night, but it’s a tricky balancing act to make a map look like night but also have enough clear visibility for gameplay,” sabi ni George Sokol, Lead Environment Artist.

Binanggit din ni Lansford ang posibilidad ng pagkakaroon ng mga mirror maps kung saan nakabaligtad ang layout. “Mirror maps like in Mario Kart. Break everyone’s brain a little,” pabirong sabi niya. “Maybe though, but top secret for now.”

Bagama’t wala pang kahit anong kumpirmasyon mula sa mga developers, ngunit mukhang bukas sila sa ideya kung kaya’t hindi malayong magkaroon ng marami pang kakaibang maps sa hinaharap.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.