Pumapalag pa rin at buhay na buhay pa ang South Built Esports sa VCT PH Stage 2 Playoffs.
Matapos ang mahabang 3-game series laban sa Alpha Esports Pro sa lower bracket, pinatunayan ng SBE na sila ang nararapat na magpatuloy sa tournament nang tapusin nila ang laban sa score na 2-1, at tuluyan na ring tapusin ang tournament run ng Alpha Esports Pro.
SBE flippy makakatapat ang dating teammate sa susunod na laban

Sa post-match interview, sinabi ni Jan Philip “flippy” Marique na hindi sila ninerbyos o nagduda sa kanilang kakayahan sa pagpasok nila sa kanilang unang lower bracket match sa kabila ng posibilidad na maaari silang malaglag sa tournament kung sakaling hindi sila palarin.
“Hindi naman, wala kaming ganun. Para bang ine-expect lang namin na to give our all, to give our best, para kahit matalo kami o manalo, we gave it our all,” sabi ni flippy. “Nothing matters na at this point. So parang do or die na lang talaga.”
Ang susunod nilang makakatapat ay nakabase sa kung sino ang mananalo sa pagitan ng Bren Esports at Oasis Gaming. May mga players sa bawat team na dati niyang nakasama sa Action PH, kung kaya’t tinanong siya kung sino sa dalawang teams ang nais niyang makatapat,
“May mga ex-teammates ako doon from APH which is Wild0reoo (Oasis) and BraiNfreeZe (Bren), hindi ko masasabi kung sino talaga ang mananalo. It depends on their performances later,” sagot ni flippy. “Pero if ever mamimili ako, it’s going to be Oasis.”
Nang tanungin kung anong klaseng paghahanda ang gagawin ng kanilang team para sa susunod nilang laban, wala namang naging kakaiba sa sagot ng SBE pro player.
“The usual, kain, ligo, practice.”
Maglalaro ang South Built Esports sa Lower Bracket Semifinals sa May 28, 2:00 p.m. GMT+8, kung saan makakaharap nila ang mananalo sa pagitan ng Bren Esports at Oasis Gaming.
Mapapanood ang mga laban nang live sa official Twitch, YoutTube, at Facebook channel ng PPGL.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.