Ang South Built Esports ang kumuha ng unang panalo sa unang araw ng VCT PH Stage 2 Playoffs.

Sa unang laban pa lang ng playoffs ay nagpasiklab agad ang South Built Esports matapos talunin ang Oasis Gaming sa score na 2-0 at ilaglag ang mga ito papunta sa lower bracket ng tournament.

Ang paghahanda ng South Built Esports para sa VCT PH Stage 2 Playoffs ayon kay flippy

South Built Esports flippy VCT PH Stage 2 Playoffs
Credit: PPGL / Screenshot by Ron Muyot/ONE Esports

Sa post-match interview, ibinahagi ni Jan Philip “flippy” Marique ang naging susi sa panalong nakuha ng kanyang team sa nagdaang laban. Ipinaliwanag din niya ang estado at mga pinagdaanan ng kanilang team noong group stage at kung paano nila nalampasan ang mga ito.

“Nahirapan kami sa group stage, diba?” panimula ni Flippy. “It’s very hard for us na makalaban ulit yung mga PH teams kasi nga iba yung strategies na pinapakita nila and they really studied us to the point na para bang naa-outplay talaga yung mga strats namin.”

“Mentally nag-reset kami and everything. All of the good jujus [na] ginawa namin,” kwento niya. “Para bang nag-ready rin talaga kami sa mga outplay strategies nila.”

Ibinahagi rin ng SBE pro player ang klase ng mindset na meron sila pagtapak sa playoffs. “Everything that they bring to us or throw at us, kelangan mentally ready kami [at] ipanalo namin lahat nang laban.”

South Built Esports Mineski VxV
Credit: South Built Esports

Nang tanungin kung anong malaking pinagkaiba ng kanilang team noong group stage at sa kasalukuyang playoffs, pabirong sumagot si Flippy, “Nung group stage kasi naliligo kami eh, ngayon hindi kami naliligo.”

Tinanong din siya kung may nerbyos silang nararamdaman sa kanilang susunod na match laban sa Team Secret, pati na rin kung anong klaseng paghahanda ang gagawin nila.

“Ewan ko lang kung manenerbyos kami pero excited kami sa match up na ‘yon,” sabi ni Flippy. “We’re going to see the strength and the weaknesses of each team.”

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.