Inanunsyo ng Ukranian esports organization na Natus Vincere ang pag-alis ni Yaroslav “Jady” Nikolaev mula sa kanilang Valorant roster, bago pa man magsimula ang VCT EMEA Stage 2 Main Event.
Isa si Jady sa mga pinaka-promising na players sa roster sa kanyang KAY/O at Viper. Sa isang TwitLonger post na nagpapaliwanag ng move na ito, binanggit ng Russian player na kailangan niyang magpahinga at isaalang-alang ang kanyang mental health.
Ang dating forze at One Breath Gaming player na si Nikolai “zeddy” Lapko ang papalit sa kanya. Ang 23-anyos ay naging matagumpay sa CIS region, kung saan nanalo siya nang dalawang beses sa VCT 2021: CIS Challengers pati na rin sa First Strike CIS tournament.
Zeddy papalit kay Jady sa NAVI Valorant roster

Sa tulong ni Jady, malaki ang in-improve ng NAVI nitong 2022. Muntik na silang mag-qualify para sa EMEA Challengers sa unang CIS qualifier, kung saan natalo sila sa EMEA Stage 1 champions na FunPlus Phoenix sa isang dikit na grand final match. Naging matagumpay naman sila sa ikalawang qualifier, kugn saan itinumba nila ang 5MOKES upang makapasok sa VCT EMEA Stage 1 group stage.
Sa One breath Gaming naman huling nag-compete si zeddy sa Valorant Regional League CIS. Ito ang unang pagkakataon sa big leagues ng European Valorant kung saan haharap ang NAVI sa mga higante tulad ng M3 Champions (dating Gambit Esports) at Team Liquid sa kanilang group.
Layunin ng NAVI na malampasan ang kanilang 2-3 record sa group stage ng Stage 1, kung saan nabigo sila na makapasok sa playoffs.
Ang kasalukuyang roster ay binubuo ng mga Russian at Belarusian players. Karamihan nang miyembro ng NAVI ay lumipat nang Serbia at nagsimula ng training, na isa ring paraan ng pag-iwas kung sakaling magkaroon ng posibleng travel restrictions dulot ng nagaganap na Russian invasion sa Ukraine.
NAVI Valorant roster
- Artur “7ssk7” Kyurshin
- Denis “dinkzj” Tkachev
- Mikhail “Duno” Fokin
- Kirill “Cloud” Nekhozhin
- Nikolai “zeddy” Lapko
Ang apat na players ng team ay kasapi na ng organisasyon mula pa noong July, nang kunin ng NAVI ang roster ng No Pressure.
Ang NAVI ay maglalaro sa kanilang opening match sa VCT EMEA Stage 2 Challengers laban sa BBL Esports sa May 13.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.