Tuluyan nang tinapos ng Oasis Gaming ang tournament run ng mga tinaguriang hari ng lower bracket na South Built Esports sa VCT PH Stage 2 Challengers Playoffs.
Sa isang elimination match sa ikalawang round ng lower bracket
Natalo man sa unang game ang Oasis sa score na 13-4, hindi ito nakaapekto sa kanilang moral, bagkus ay naging mas mabangis pa ang mga ito upang makuha ang dalawang sumunod na mapa.
Ripper ipinaliwanag ang mindset ng Oasis Gaming

Inilahad ni Mark Louis “Ripper” Laguardia sa post-match interview na alam nilang matatalo sila sa unang mapa na Bind. Sinabi rin niya na sanay na sila ng kanyang team na laging natatalo sa unang game pero naipapanalo pa rin nila ang series.
“The first map, we kind of knew we were going to lose,” sabi ni Ripper. “It really wasn’t our map, it was their pick.”
“We also kind of got used to losing on the first map every time. Almost all series we lose on the first map, and then we immediately bounce back on the next two maps. It’s all about mindset.”
Nabanggit din sa interview ang dating coach ng Oasis na si Vic ”Flufee” Villavicencio. Tinanong sa pro player kung ang dating coach ba ang naging problema ng team kung bakit hindi sila pinalad sa Stage 1 tournament. Mariin naman itong itinanggi ni Ripper.
“No, definitely not,” sabi niya. “He had lots of impact to our team, pati sa mentality namin and how we play. Our fundamentals and discipline, it’s all Flufee. We love Flufee with all our hearts.”

Tungkol naman sa pressure, ibinahagi niya na hindi ito mawawala. Ang importante ay hindi nila ito hayaang makaapekto sa kanilang performance.
“There’s always pressure but we try to focus on the present. We don’t let our losses get to our heads. We always avoid the ‘tilt’, as you call it,” ayon kay Ripper. “We do it one game at a time. We focus on one series at a time, we don’t focus on the past or the future, we focus on the now.”
Sigurado na ang slot Oasis Gaming sa VCT APAC Stage 2 Challengers ngunit tuloy pa rin ang kanilang pakikipagdigma sa kasalukuyang tournament. Susunod nilang makakalaban ang matatalo sa laban sa pagitan ng Team Secret at RRQ.
Mapapanood ang mga laban nang live sa official Twitch, YoutTube, at Facebook channel ng PPGL.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.