Nagtamo ng isang mabigat na pagkatalo ang Paper Rex mula sa South American squad na Leviatán sa Valorant Champions 2022, isang series kung saan sila ang inaasahang mananalo.

Kasama sa kanilang 1-2 defeat ang isang mahigpit na 11-13 loss sa Bind, isa sa kanilang strongest maps. Mukhang pinag-aralan silang mabuti ng Leviatán para sa kanilang laban, at tila handa ang mga ito para sa bawat anggulo ng kanilang pagiging agresibong, lalo na pagdating sa depensa.

Gayunpaman, iba ang estado ng kasalukuyang PRX kumpara ng napanood natin sa Masters Copenhagen. Sa isang post-match interview, binanggit ni coach Alexandre “alecks” Sallé ang ilang mga issues na pinagdadaanan ng team, kabilang na ang madalas na pagbibigay ng first kill.


Paper Rex natatalo sa kanilang mga unang duels

Paper Rex coach alecks Champions 2022
Credit: Riot Games

Binanggit din ng clutch king na si Aaron “mindfreak” Leonhart ang mga pagkukulang ng team matapos nilang manalo laban sa Edward Gaming. “We just felt out of practice. We aren’t playing as well as we were back in Copenhagen, but the show must go on,” sabi niya sa Nerd Street Gamers.

Bagama’t mahusay ang PRX sa pag-control ng early game dahil sa kanilang pagiging agresibo, ang tagumpay ng ganitong diskarte ay nakasalalay sa kakayahan ng team na makuha ang first kill. Laban sa Edward Gaming at Leviatán, sobra silang nagkulang sa parting ito.

Mas marami nang pito ang first kilss na nakuha ng Leviatán kaysa sa kanila, habang lamang naman nang siyam ang EDG.

“We’ve been dropping a lot of first kills,” sabi ni alecks. “We were playing so many 4v5 situations and we’re not doing very well in those situations.”

Isinisi rin ni Jason “f0rsakeN” Susanto ang pagkatalo ng kanilang team sa kanilang hindi magndang tutok. “Our aim wasn’t as sharp, which caused several gunfights to go the other way,” sabi niya sa TheSpike.GG.

Pero hindi ibig sabihin nito ay hindi handa ang PRX para sa Leviatán. “We knew they like to wait. It’s the whole FPX thing again,” paliwanag niya, kunga sa pinapatungkulan niya ang mabagal at maingat na style na ginamit sa kanila ng FunPlus Phoenix sa Copenhagen.

“When it gets a bit stressful, sometimes we fall back onto old habits, and that means trying to get an early kill. And that doesn’t always work out.”

Nararamdaman na rin nila ang bigat na dulot ng kanilang nakaraang tagumpay. “We’re trying not to expect anything, but there’s still a feeling that we should be doing better,” sabi niya. “That’s the thing that’s messing us up I think. Everybody is just trying to take the game into their own hands a little bit too much.”

Kasabay pa nito, ang mga teams ay naging mas handa para sa mga players ng PRX. Mas nahihirapan na si Wang “Jinggg” Jing Jie na makapasok sa mga sites bilang Raze upang bulagain ang mga kalaban, ayon kay alecks, kung kaya’t kinakailangan ng PRX na makahanap ng mga mas malikhaing solusyon.

Meron pang limang araw ang team upang plantsahin ang mga gusot sa kanilang laro. Haharapin ng PRX ang kanilang susunod na kalaban sa isang elimination match sa SSeptember 8, 1:00 a.m. GMT+8.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.