Nakahanda na ang entablado para sa pinakaunang international Valorant match sa harap ng isang crowd.

Ang OpTic Gaming at Paper Rex ang mga unang teams na maglalaro sa harap ng isang live audience sa upper bracket final sa Masters Copenhagen – isang sagupaan na paghaharapin ang mga naghaharing Masters champions at ang isang team na nagpaluhod ng mga dambuhala dahil sa kanilang kakaiba at natatanging pagsalakay.

Ang huling tatlong araw ng mga matches ay gaganapin sa harap ng mga fans na nandoon, kabilang dito ang upper bracket finals, lower bracket semifinals, lower bracket finals, at ang grand finals.

Ang unang VCT circuit ay nagsimula sa kalagitnaan ng pandemya noong 2021, at dahil kailangang sundin ang mga health protocols ay hindi pinayagan ang mga fans na manood nito nang personal.


OpTic Gaming at Paper Rex naghahanda para sa isa sa mga pinakamalaking international clashes

OpTic Gaming Masters Copenhagen 2022
Credit: Riot Games

Pumasok ang OpTic sa Copenhagen bilang isa sa mga paboritong teams na manalo sa buong tournament, sa kabila ng pagkatalo sa first seed ng North America na XSET.

Bagama’t nagsimula sa isang talo mula sa Guild Esports sa group stage, nagpatuloy ang OpTic upang manalo laban sa LOUD, KRU Esports, XSET, at DRX.

Dala ang matinding clutch potential sa kanilang roster na sinamahan pa ng ‘di mapantayang kakayahang mag-adapt mid-round, nananatili ang porma ng OpTic na tumulong sa kanilang magwagi sa Masters Reykjavik noong April.

Mahusay ang ipinapakita ng star player na si Jaccob “yay” Whiteaker, subalit napatunayan ng OpTic na kaya nilang manalo kahit pa hindi siya ang magdala sa team.

Matindi ang kanilang tutok sa kanilang layunin – ang maging kauna-unahang back-to-back international champion sa Valorant.

Sa panig naman ng Paper Rex, bitbit ng Southeast Asian powerhouse ang pagiging dominante nila sa kanilang rehiyon papunta sa international stage. At sa kanilang minimum na top-three placing sa Copenhagen, pinatunayan na ng team na hindi chamba ang pinakita nila sa Reykjavik.



Walang kapantay ang pagiging agresibo ng PRX. Kahit pa sa defense, tiwala ang team sa kanilang mga set plays upang makakuha ng maagang kalamangan, at kadalasan ay naiiwan ang mga kalabang natataranta kung paano sasagot.

Ang star duo na sina Wang “Jinggg” Jing Jie at Jason “f0rsakeN” Susanto ay kasalukuyang nasa ikalawa at ikalima sa Masters Copenhagen pagdating sa Average Combat Score (ACS). Siksik sa talent ang buong roster ng team, at bawat player ay kayang pumuntos kung kinakailangan.

“You can’t really copy their compositions and how they play because it’s very unique to their players,” sabi ng OpTic head coach na si Chet “Chet” Singh sa isang post-match press conference.

“I’ve spoken to [Benedict “Benkai” Tan] about it, and he just lets f0rsakeN control the round while he supports him,” dagdag pa niya. “It only complements that team. If another player or team tried to do that it would be very difficult.”

Umaasa ang mga fans na makita ang dalawang teams na magtagpo sa Bind, isa sa pinakamalakas na map para sa magkabilang panig. Subok nang dalubhasa ang Yoru ni forsaken sa map. Ang kanyang husay sa paggamit ng Gatecrash teleport ni Yoru ay tumutulong sa kanyang makarating sa mga lugar na hindi inaasahan, at hindi siya takot na mag-teleport papunta sa backline ng kalaban para pitasin ang mga ito.

Ang match ay magaganap sa July 22, 11:00 p.m. GMT+8. Ang lahat nang matches ay mapapanood nang live sa official Valorant Twitch at YouTube channels.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.