Iilang bagay lang ang pwedeng maging dahilan upang mapatigil si Wang “Jinggg” Jing ng Paper Rex.

Kung titignan siya ay mukhang wala siyang kinatatakutan sa world stage ng Valorant, at tila walang anuman ang makakatinag sa kanya. Ngunit kung papipiliin siya ng isang player na talagang nahirapan siyang kalabanin, ito ay si Jaccob “yay” Whiteaker ng OpTic Gaming, sabi niya sa ONE Esports sa isang eksklusibong panayam.

Maaaring ipinadala ng Paper Rex ang OpTic sa lower bracket sa Masters Copenhagen, ngunit si yay pa rin ang nanguna sa server na may 57/42/6 KDA at 285 Average Combat Score (ACS).

Isa si yay sa mga pinakamahusay na Chamber players, ayon kay Paper Rex Jinggg

OpTic Gaming yay isa sa pinakamahusay na Chamber users ayon kay Jinggg
Credit: Riot Games

“He’s definitely one of the best Chamber players,” sabi ni Jinggg. “It’s really fun to play against him.”

Gayunpaman, ang tagumpay ni yay ay hindi nagmumula sa pagiging agresibo na hatid ni Chamber, kung hindi sa kanyang pag-unawa sa takbo ng bawat game.

“His timings are really good and he understands when to push or peek,” paliwanag ng PRX star. “His positioning is also really good. And he has excellent mechanics as well, and everything combines to make him a really good Chamber and a really good player.”

Si yay ang pinaka-consistent sa kanyang team sa series laban sa Paper Rex, kung saan siya ang nangunguna sa scoreboard ng bawat map.

Ramdam din ang kanyang impact sa bawat round. “He was always picking us off and stuff,” kwento ng 19-anyos na player.

May tsansang muling magharap ang PRX at OpTic sa Valorant Champions 2022 sa Istanbul. Bagama’t inilagay sila sa magkaibang grupo, parehong pinapaboran ang dalawang teams na aabante papuntang playoffs, kung saan maaaring makuha ng OpTic ang hinihintay nilang paghihiganti.

Ang Valorant Champions 2022 ay gaganapin mula August 31 hanggang September 18. Ang lahat nang matches ay mapapanood nang live sa opisyal na Twitch at YouTube channels ng Valorant.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.