Naglaman ng Brimstone buff ang Valorant patch 4.04, pero tila masyado atang malaki ang magiging impact ang upgrade sa Stim Beacon nito para sa laro. Kaya na raw kasi nitong gawing mini-Neon ang kahit sinong miyembro ng isang koponan ayon sa 100 Thieves veteran na si Spencer “Hiko” Martin.
Naniniwala rin si Hiko na mapapabilis ng 15 percent speed boost sa Stim Beacon ni Brimstone ang overall pace ng Valorant dahil kaya nitong pabilisin ang mga rush at rotation.
Wala raw lugar para sa Valorant ang bagong Brimstone buff ayon kay Hiko

Nais ng Riot Games na i-improve ang range ng smoke deployment at dagagan ng value ang Stim Beacon ni Brim Stone sa Valorant patch 4.04. Dati, fire rate lang ng kakampi ang napapalakas ng nasabing utility, kaya’t inaasahang magiging broken ang bagong speed boost mechanic nito.
Ani ng 100 Thieves player, mabilis na raw ang pacing ng Valorant kahit bago pa lumapag ang patch 4.04. Maraming duelist gaya nina Jett, Raze, at Neon ang may kakaibang movement abilities na nakatutulong sa kanila para makagalaw sa mapa sa isang iglap.
Dahil napapabilis ng bagong Brimstone buff ang pagtakbo ng mga agent, inaasahang mapapabilis din nito lalo ang pace ng laro. Halimbawa, kayang-kaya na ng isang Chamber na pinabilis ng Stim Beacon na makapag-abang sa mas agresibong angle nang mas mabilis at makapag-teleport din agad pabalik.
“A 15% speed boost is a lot in Valorant. That changes timings on everything,” Hiko explained. “ I don’t know if Brimstone will ever be meta, but we’ll have to wait and see.”
“I don’t think this speed boost needs to be in a game like Valorant,” diin niya. Ang mga tactical shooter gaya ng Valorant ay umiikot sa kakayahang i-predict ang galaw at laruan ng kalaban.

Binago ng bagong Stim Beacon ang aspetong ito dahil kaya na ng mga agent na gumalaw nang mas mabilis, kaya’t dalawa posibleng movement speeds at timings na rin ang dapat isipin ng mga manlalaro.
Nagbigay din ng opinyon sa social media ang ibang Valorant pros tungkol sa nasabing Brimstone buff. Hindi naman nakakagulat na nagustuhan ito ni Tyson “TenZ” Ngo ng Sentinels, aniya, “Brim stim is my new favorite ability.”
Iba naman ang experience ni Sam “s0m” Oh ng NRG matapos niyang mag-whiff gamit ang Sherrif dahil boosted ng Stim Beacon ang movement speed ng kanyang target.
Babala: Naglalaman ng sensitibong pananalita
Matatagupan ang kumpletong nilalaman ng Valorant patch 4.04 dito, kasama ang pagbabago sa Icebox at ang pinakahihintay na rework kay Yoru.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: Malungkot ang mga Astra mains matapos ang Valorant patch 4.04