Tagumpay ang Rex Regum Qeon (RRQ) sa kanilang unang match laban sa Bren Esports sa VCT PH Stage 2 Playoffs.
Unang nagharap agn dalawang teams sa map na pinili ng Bren, ang Bind. Umabot ang match hanggang Round 24 at nagtapos sa score na 13-11 para sa RRQ.
Sa Game 2 sa Icebox, sinubukang pwersahin ng Bren na magkaroon ng ikatlong game para sa series, subalit hindi naging pabor sa kanila ang mga trade off. At naging agresibo na ang RRQ upang tapusin ang laro sa score na 13-7, upang kunin ang series 2-0.
RRQ kellyS nais makatapat si f0rsakeN

Nakapanayam sa post-match interview ang series MVP na si Kelly “kellyS” Sedillo, kung saan ibinahagi niya ang sa tingin niyang pagkakaiba ng RRQ sa ibang mga teams. “Para sa akin, yung team ko sobrang committed sa goal namin.”
Matatandaan na hindi naging maganda ang unang linggo ng VCT PH Stage 2 Challengers group satge para sa kanyang squad, kung saan nakatanggap sila ng talo sa tatlo sa kanilang apat na matches.
“After nung week one, grabe yung usap namin, grabe yung reset namin,” kwento ni kellyS. “Pinag-usapan namin yung mentality namin sa game, para pag dating sa week two, maka-recover kami. Tapos ayun, naka-recover kami.”
Dahil sa panalong ito ay nakuha nila ang ikalawang slot para sa VCT APAC Challengers, kung kaya’t tinanong siya kung anong pakiramdam na maging isa sa mga kinatawan ng bansa na lalaban sa mga pinakamahuhusay na teams sa rehiyon.
“I’m speechless right now. Baka mamaya pa to mag-sink in. Di ko pa iniisipo yun APAC kasi sobrang focused namin sa laro na ‘to.”

Nang tanungin naman kung sino ang gusto niyang makasagupa na team sa APAC, hindi nagdalawang isip ang duelist main ng RRQ.
“I want to face Paper Rex, because I want to play against f0rsakeN.”
Susunod na makakalaban ng RRQ ang top seed na Team Secret sa Upper Bracket Finals sa May 28, 11 a.m. GMT+8.
Mapapanood ang mga laban nang live sa official Twitch, YoutTube, at Facebook channel ng PPGL.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.