Pagsasama-samahin ng Samsung Odyssey Cup 2023 ang influencers at fans para sa isang kapana-panabik na gaming experience.

Hatid ng Samsung, ang torneo ay nakasentro sa sikat na first-person shooter ng Riot Games, ang Valorant, at sakop nito ang iba’t-ibang bansa sa Southeast Asia.

Ang recruitment phase ay nagsimula noong October 30, at magtutuloy ang kompetisyon patungong playoffs na nakatakda sa December.



Magsasama-sama ang influencers at fans sa Samsung Odyssey Cup 2023 Valorant showdown

Itinatampok ng Odyssey Cup 2023 ang 48 influencers — walo mula sa mga kasaling bansa na kinabibilangan ng Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Singapore, Thailand, at Vietnam. Dala ng mga influencer na ito ang kanilang husay sa Valorant, kabilang na ang competitive play, shoutcasting, at analysis.

Kailangan nilang bumuo ng koponan na may apat na miyembro mula sa kanilang lokal na komunidad, at gabayan ang kanilang team patungo sa buong potensyal nila.

Sa mga nais lumahok, maaari kayong makasali sa Odyssey Cup sa pamamagitan ng mga social media platform ng inyong napiling influencer.

Valorant agents Reyna (gitna), Neon (kaliwa), at Killjoy (kanan)
Credit: Riot Games

Odyssey Cup 2023 schedule and timeline

PETSAPHASE/STAGE
October 30 hanggang November 5Recruitment phase
November 11 hanggang November 12Regional seedings
November 18 hanggang 19
November 25 hanggang 26
Group stage
December 8 hanggang 10
December 16 hanggang 17
Playoffs

Odyssey Cup 2023 prize pool distribution

PERANG PAPREMYOPLACEMENT
US$5,000 (nasa PHP279,000)Champion
US$2,500 (nasa PHP139,000)1st runner-up
US$1,500 (nasa PHP83,000)2nd runner-up
US$500 (nasa PHP27,000)Female MVP
US$500 (nasa PHP27,000)Male MVP

Saan mapapanood ang Samsung Odyssey Cup 2023

Ang group stage at playoff matches ay ibo-broadcast sa opisyal na Twitch channel ng Samsung Odyssey.

Layunin ng online tournament na ito na magbigay ng komprehensibong gaming at competitive experience para sa professional players, influencers, at high sa lahat, sa gaming community.

Samsung Odyssey OLED G9 gaming monitor
Credit: Samsung
TIGNAN ANG PRESYO: SAMSUNG 49″ Odyssey OLED G9 G95SC Series Curved Smart Gaming Monitor

Tampok ang matikas na gaming monitors ng Samsung, tulad ng Odyssey Neo G9 at Odyssey OLED G9, ang Odyssey Cup ay ginawa para maghatid ng nakakabuhay na karanasan para sa gamers, mula sa dedikadong manlalaro hanggang sa kaswal na players.

“Hangarin namin na gumawa ng environment kung saan ang professionals, fans, at ang community ay magsasama-sama para ipagdiwang ang kanilang passion para sa gaming,” wika ni Leslie Goh, ang Head of Regional Display Solutions ng Samsung Southeast Asia and Oceania.

“Tiwala kaming magagawa namin ito gamit ang cutting-edge technology na hatid ng Samsung Odyssey gaming monitors,” dagdag pa ni Goh.

Bisitahin ang website ng Odyssey Cup 2023 para sa iba pang detaley. 

Heads up lang, ang ibang links sa ONE Esports ay affiliate links. Ibig sabihin, kapag pinindot mo ang mga ito at bumili ka, may matatanggap kaming kaunting komisyon nang walang karagdagang gastos sa’yo. Isa itong paraan upang panatilihing tumatakbo ang aming site at makapagbigay ng mahahalagang content para. Salamat sa iyong suporta!

BASAHIN: Paano gamitin ang Iso ultimate sa Valorant upang manalo palagi sa 1v1