Si Jaccob “yay” Whiteaker ang isa sa mga pinaka-consistent na players sa competitive Valorant, na pumwesto sa ikalima pagdating sa Average Combat Score (ACS) sa Masters Reykjavik at Copenhagen nitong taon.

Sa isang playing field kung saan pahirap nang pahirap ang kompetisyon, nakakabilib ang pagiging consistent ng 23-anyos.

Sa Valorant Champions 2022, kasalukuyan siyang nasa ikatlong pwesto, sumusunod sa 2-0 record ng OpTic Gaming sa group stage. Habang pabago-bago ang kanyang mga kasama sa leaderboard, nanatiling nandun si yay.

Sa isang stream, ipinaliwanag ng Sentinels star na si Tyson “TenZ” Ngo kung ano ang pinagkaiba ni yay sa ibang players.

TenZ Ibinunyag kung bakit kakaiba si yay

yay Champions 2022
Credit: Riot Games

“His role fits really well on OpTic as a team,” sabi ni TenZ. “I think his Chamber is really impactful. I like the way he plays Chamber.”

Laging pinipili ni yay ang mga “high percentage” plays. Dagdag niya, na nangangahulugang lumalaban lang siya sa mga duels na alam niyang pabor sa kanya. Ang kanyang matalinong deceision-making ay malaking bahagi ng kanyang kahanga-hangang consistency, na nagpapaliwanag ng maga malalaki at mahahalagang numero na naiaambag niya tuwing sumasali siya sa mga events.

Bukod pa dito ay umiiwas siya sa mga flashy plays. Ang kanyang tutok ay hindi tulad ng kay Mathieu “ZywOo” Herbaut, sabi ni TenZ, ang Team Vitality CS:GO prodigy na lubos na sumikat salamat sa kanyang kakaibang mechanical brilliance.

Sa halip ay mas pinipili ni yay ang stability at reliability. “He will always hit the easy shots,” sabi ni TenZ. “But that’s the most important part of using the Operator. You have to make sure you always hit the ones that you should be hitting.”



Mulan ang lumabas si Chamber, pinagpalit na ni yay ang kanyang signature Jett para sa French sentinel. Sa kabila ng ikalawang round ng nerfs sa agent, hindi pa rin ito nagbago sa Valorant Champions 2022.

Nanatili pa rin ang OpTic carry kay Chamber, at kasalukuyan siyang nangunguna sa Champions leaderboard na may 1.8 K/D.

Muling maglalaro ang OpTic sa September 10, 10:00 p.m. GMT+8. Ang mga matches sa Valorant Champions 2022 ay mapapanood nang live sa official Twitch at YouTube channels ng Valorant.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.