Malaki ang pinagbago ng Valorant roster ng Team Liquid para sa inaasahang Valorant Champions Tour season.

Noong November 5, inanunsyo ng European organization ang kanilang kumpletong roster, kasama ang tatlong bagong myembro na sasamahan sina Ayaz “nAts” Akhmetshin, Elias “Jamppi” Olkkonen, at coach Emil “eMIL” Sandgren.

Dating Fortnite start na ngayo’y Valorant pro na si Georgio “Keiko” Sanassy ay sasali sa Liquid roster. Sasamahan siya ng dating Fnatic players na sina James “Mistic” Orfila at Enzo “Enzo” Mestari, at kung saan magtatayo bilang bagong IGL (in-game leader) si Enzo. 

Ang trio ay myembro ng Valorant team ng Apek na noong nakaraang season ay pumangalawa sa Ascension EMEA 2023 tournament, matapos matalo sa Gentle Mates 3-0 sa grand final.



Team Liquid nagdagdag ng dalawang ex-Fnatic players sa kanilang Valorant roster 

Valorant Team Liquid VCT 2024 roster
Credit: Team Liquid

Humarap ng hindi magandang simula ang Liquid sa 2023 VCT season. Isa sila sa mga unang teams na na-eliminate sa VCT LOCK//IN, matapos matalo 2-0 laban sa Team Secret sa kanilang unang match. 

Sa susunod na VCT event, malakas ang naging comeback ng Liquid matapos manalo sa VCT EMEA League. Nakuha nila ito sa pagtalo sa Fnatic sa grand final, 3-1, para maibigay ang unang talo ng Fnatic sa season.  

Naging kahanga-hanga rin ang naging performance ng Team Liquid sa Masters Tokyo matapos mag-tie para sa 5th place. Ngunit tila naubos na ang init ng team sa huling tournament ng season, at tinapos sa 13th place ang Valorant Champions 2023.  

Sa offseason, mutwal na nagpaalam si Dom “soulcas” Sulcas sa organization. Habang lumipat naman si Saif “Sayf” Jibraeel sa Team Vitality, at si Igor “Redgar” Vlasov ay pumirma sa Giants.  

Si Keiko ang magiging bagong duelist main ng Team Liquid, habang si Mystic ang magiging controller ng team. Si NAts at Jamppi ay mananatili sa kanilang posisyon noong VCT 2023 season.  

Valorant roster ng Team Liquid 

  • Ayaz “nAts” Akhmetshin 
  • Elias “Jamppi” Olkkonen 
  • Enzo “Enzo” Mestari 
  • James “Mistic” Orfila 
  • Georgio “Keiko” Sanassy 

Maari mong panoorin ang roster announcement ng Liquid dito:



Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa Valorant.

BASAHIN: Kalabanin ang inyong paboritong streamers sa Samsung Odyssey Cup 2023