Si Matthew “Wardell” Yu na siguro ang pinakamahusay na free agent sa merkado ngayon.

Maalamat ang kanyang husay sa paggamit ng Operator. Sa panahaon na kanyang inilagi sa TSM itinuring bilang pinakamahusay na player na humawak ng sniper rifle, lalo na sa mga agents gaya nina Jett at Chamber.

Gayunpaman, mula nang lisanin niya ang TSM noong March, hindi pa ulit nagkakaron ng team ang 24-anyos, maliban sa sandaling paglalaro niya sa Version1 noong VCT NA Stage 2 qualifiers.

Ngayon, tila hindi niya na masyadong pinupursigi ang pagiging isang pro player sa Valorant. Sa katunayan, sinabi niya sa kanyang nagdaang stream na hindi mahalaga para sa kanya ang pagiging isang pro sa Valorant.

Walang halaga ang pagiging isang Valorant pro, ayon kay Wardell

Wardell TSM CS:GO Valorant
Credit: Riot Games

“Being a pro in this game is nothing,” sabi niya. “This game is nothing. Because all the good players are in Counter-Strike. In this game, I fear nobody.”

Hindi na bago ang sentimyentong ito. Matagal na itong pinangatawanan ng mga Counter-Strike purists, na nakikipagtalo upang sabihing malayo ang agwat at superior game ang CS:GO kung ikukumpara sa tactical shooter ng Riot.

Malaking bahagi ng argumentong ito ay nagmumula sa kadahilanang mas mechanically challenging ang CS:GO, na tumutulong na matukoy ang pagkakaiba ng mga pinakamahuhusay na players sa iba. Kasabay nito, sinabi rin ng ibang players tulad ni Michael “shroud” Grzesiek na mas mahirap laruin ang Valorant.



Bagama’t mas mahirap ang mechanics ng CS:GO, ang iba’t ibang agents at utility interactions ay nangangahulugang mas nangangailangan ang Valorant ng kakayahang mag-adapt kapag hindi nasunod ang iyong mga plano.

Ang ibang pros ay hindi pa rin makapili kung CS:GO nga ba o Valorant. Mas may saysay maging top player sa CS:GO kumpara sa Valorant, ayon sa iba.

Ang dating 100 Thieves player na si Nicholas “nitr0” Cannella ay muling nagbalik sa CS:GO sa ilalim ng Team Liquid, habang nagdesisyon namang bumalik sa shooter ng Valve si Elias “Jamppi” Olkkonen ng Liquid pagkatapos ng kanyang ban.

Sa huli, ang dalawa ay magkaibang laro, at hindi malinaw ang halaga ng pagkumpara sa pagitan ng mga kalidad ng mga players.

Tutal, hindi rin naman nangangahulugan na porke’t top-tier ka sa CS:GO ay magiging matagumpay ka na rin sa Valorant. Ang mga players na tulad nina nitr0 at Ethan “Ethan” Arnold ay ilan sa mga pinakamahuhusay sa CS, ngunit wala pa rin silang napapanalunang major championship sa Valorant.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.