Maaring tawaging biktima ng kanilang sariling tagumpay ang isa sa mga pinakamahuhusay na Valorant rosters ng 2022 sa pagpasok ng VCT 2023.

Dahil sa kanilang top three finish sa bawat international LAN na kanilang dinaluhan nitong taon at ang sinasabing pinakamahusay na player sa buong mundo na si Jacoob “yay” Whiteaker, malaking halaga ang kinakailangan upang makuha ang OpTic Gaming na may iilang organisasyon lang ang may kayang magbayad.

Sa isang panayam kasama ang esports journalist na si Richard Lewis, nagsalita si yay tungkol sa tsansa ng team na manatiling magkakasama pati na rin ang mga iba’t ibang alok na natanggap nila.


Maaaring magwatak-watak na ang OpTic, ayon kay yay

OpTic Gaming Champions 2022
Credit: Riot Games

“It’s pretty hard to buy out an entire roster. We have basically four or five buyouts and especially for a team like us that was doing really well, you’d have to pay a lot of money on top of the salaries,” sabi niya. “It would be very hard. Most likely we would have to split up.”

Sa katunayan, may ibang teams sa Americas league ang hindi pumapayag na magbayad para sa mga buyouts, ayon kay yay.

Kakaiba man, pero mas mataas ang tsansa nilang magkasama-sama kung handa silang sumugal at maglaro sa Challenger circuit at makipaglaban para sa promotion upang makapasok sa international league sa pamamagitan ng Ascension tournaments. Nakatanggap na ang team ng isang malaking offer upang maglaro sa Challengers circuit, ngunit hindi pa plantsado ang mga detalye tungkol dito.

“But it kind of sucks because as a competitor you’re going to be playing in a lower tier with no guarantee of making it,” sabi niya.

“There is still a possibility we stay together,” he added. “We are talking with a few different people, but it’s just a situation where it is really hard.”

Nang tanungin kung papaya ba ang OpTic na talikuran ang buyout fee para kay yay, sinabi ng 24-anyos na malabo itong mangyari. Hindi ito makatwiran kung titignan mula sa isang business perspective.

“They spent a whole bunch of money on my buyout,” sabi niya. “I forget the exact number but it was something like maybe a little bit less than half a million to get me from Andbox.”

“From their perspective, they want to at least get something of a return.”

Sumali si yay sa dating Team Envy noong August 2021, ang huling piyesa sa magiging pinakadominanteng roster sa North America at kinikilalang pwersa sa pandaigdigang entablado sa 2022.

Sa kasalukuyan ay wala pang inilalabas na detalye ang OpTic star tungkol sa kanyang mga plano, ngunit nagbibigay ito ng mga pahaging sa kanyang mga fans – ano man ang team na kanyang kinukonsidera, hindi ito Evil Geniuses, sabi niya sa isang stream kamakailan.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.