Sinelyo ng Evil Geniuses ang pinakamalaking upset sa VCT NA Stage 2 Challenger. Noong ika-apat na linggo, tinalo ng koponan ang OpTic Gaming, ang kampeon ng Masters Reykjavik 2022, sa iskor na 2-1.

Sumandal ang Evil Geniuses sa bago nilang mga miyembro, ang dating Akrew in-game leader na si Corbin “C0M” Lee at Vincent “Apoth” Le. Sa Stage 1, bigong makabingwit kahit isang panalo ang dati nilang roster, kaya’t nagtapos ang kanilang kampanya sa ilalim ng Group A.

Pero dahil naipanalo nila ang kanilang serye kontra OpTic Gaming, naka-upo na ngayon sa tuktok ng Group B sa Stage 2 ang Evil Geniuses. Tinuldukan na rin ng koponan ang eight-map winstreak ng kanilang kalaban sa Bind, matapos nilang makuha ‘to sa iskor na 13-8.

Nakabawi man sa Split, para mapagdesisyunan ang serye sa Ascent, hindi naman na nagsayang pa ng oras ang Evil Geniuses para maipakita kung gaano na sila kalakas ngayon. Nabaliktad pa nga nila ang laban matapos madehado sa iskor na 7-11, sa pamamagitan ng pagtala ng anim na sunod-sunod na panalo para matapos mapa sa iskor na 13-11.

Nag-zero duelist strategy ang Evil Geniuses sa Ascent

Kapansin-pansin ang naging composition ng Evil Geniuses sa Ascent dahil hindi sila gumamit ng duelist. Ito ang unang beses na ginawa nila ito sa nasabing mapa. Sa halip, tatlong initiators—Fade, Sova, at KAY/O—na sinamahan ng Omen at Chamber ang bumuo sa kanilang agent lineup.

Pareho ang composition na ‘to sa kung paano nilaro ng Korean powerhouse na DRX ang Venetian na map, pero mas pinili ng Evil Geniuses ang Omen kesa Astra.

Muling ibinigay ng OpTic ang Yoru kay Victor “Victor” Wong, pero handa ang Evil Geniuses dito.



Salamat sa tatlo nilang initiators, madaling nakalakap ng impormasyon ang Evil Geniuses bilang defenders. ‘Di matawaran sa retake situations ang combo ng Haunt ni Fade at Recon Dart ni Sova kaya’t ‘di makaporma ang Yoru ng OpTic kahit gumamit pa ng Gatecrash teleport.

Sa Round 23, sinubukan ng OpTic na pumasok sa B site gamit ang Dimensional Drift ni Yoru at Nightfall Fade. Hindi dapat maririnig ng Evil Geniuses ang paglabas ni Victor mula sa kanyang ultimate dahil sa deafen debuff mula kay Fade, pero dahil sa saktong Paranoia flash ni Apoth, nahuli nila ang kalaban sa may B Stairs.



Sa final round, isang maagang Recon Dart mula sa Sova ni C0M ang nakahuli sa ilang miyembro ng OpTic Gaming sa B Link. Sinundan niya agad ito ng Odin spray na ikinamatay ni Austin “crashies” Roberts, habang naiwan namang may mababang buhay ang dalawa. Sinundan din ng KAY/O flash ang Recon Dart, dahilan para hindi masira ng OpTic ang dart.

Nagpakitang-gilas din si Kelden “Boostio” Pupello sa kanyang Chamber matapos makapagtala ng 219 Average Combat Score (ACS) at apat na first bloods. Tabla na ang 21-taong-gulang ngayon sa ikalawang puwesto sa first kills per round sa group stage, kasama si Tyson “TenZ” Ngo ng Sentinels at Marc-Andre “NiSMO” Tayar ng Ghost Gaming.

Dahil sa kanilang upset kontra OpTic, naselyo na rin ng Evil Geniuses ang kanilang puwesto sa VCT NA Stage 2 Challengers playoffs.


Para sa karagdagang balita sa esports, at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Valorant Pearl map callouts at locations na kelangan mong malaman