Mukang magbabago na ang Valorant meta sa Stage 2, lalo na’t patuloy ang page-experiment ng mga team sa iba’t-ibang agent compositions.

Kontra DAMWON Gaming sa VCT Korea Stage 2 group stage, nagpabilib ang DRX matapos nilang gumamit ng zero duelist composition sa Ascent. Ginawa rin ito ng DAMWON, kaya’t nabuhay ang tanong kung epektibo rin ba ang zero duelist composition sa ibang mapa.

Wala pa rin duda sa pangingibabaw ng DRX sa Korea, lalo na’t isa rin sila sa mga pinakamalakas na koponan noong VCT Stage 1 Masters Reykjavik. Sa kabila ng 5th-6th place finish nila sa Iceland, kinikilala pa rin ang kanilang team play, mechanical skill, at mabisang pag gamit ng utility.

Sa ngayon, undefeated pa rin sa VCT Korea Stage 2 Challengers ang koponan matapos walisin ang On Sla2ers, DAMWON, at World Game Star sa opening week.

DRX, nag-triple initiator, zero duelist composition sa Ascent

Ang zero duelist composition ng DRX na yata ang bagong Valorant meta
Credit: DRX

Sa Ascent, gumamit ang DRX ng Astra, Chamber, Fade, KAY/O, at Sova, habang Omen at Breach naman ang pinalit ng DAMWON sa Astra at Fade.

Naunang mapansin ang zero duelist composition dahil sa 100 Thieves. ‘Di gumamit ng duelist ang koponan kontra The Guard sa VCT NA Stage 1 group stage pero inararo lang sila sa iskor na 0-13.

Noon, pinaniniwalaan pang hindi epektibo ang nasabing composistion dahil mahirap humanap ng opening pick, pati na rin mabasag ang depensa ng kalaban.

Pero gaya ng ipinakita ng DRX, masasagot ang problemang ito kung magagamit nang tama ang mga utility at iba’t-ibang abilities ng initiators para makagawa ng space.

Sa isang video ng VOD reviewer na si Thinking Man’s Valorant, hinimay niya ang game plan ng DRX sa Ascent, partikular na kung paano naipanalo ng Korean team ang mapa sa iskor na 13-6 kahit pa nagsimula sila bilang Attackers.



Naka-angkla ang lahat sa default setup ng DRX, kung saan pina-prioritize nila ang control sa Mid habang pinapanatili ang kanilang presensya sa buong mapa. Halimbawa, dahil sa patuloy na pag-pressure ng DRX sa Mid, hindi maiwan ng DAMWON ang B. Nabigyan nito ng pagkakataon ang DRX para makapwesto sa A mula sa short papuntang A Main.

Mahusay din ang pagkakagamit ng ni Kim “stax” Gu-taek sa Prowloer ng kanyang Fade para ma-pressure ang B Main at ma-clear ang ano mang agresibong anggulo ng kalaban para lalong ma-delay ang maagang rotation sa B site.

Sa ika-apat na round, na-shut down ni Park “exy” Geun-cheol ng DAMWON ang A site execute ng DRX gamit ang Paranoia flash ng kanyang Omen, para makapitas ng dalawang player na nagpu-push mula sa short.

Sa 3v3 situation na ‘to, naselyo ng VCT Korea Stage 1 champions ang tagumpay salamat sa pagpapakitang-gilas ni Yu “BuZz” Byung-chul sa B Main.

Sinira niya ang Trademark trap ng kalabang Chamber sa B saka dahan-dahang pumasok sa B site. Walang tao sa site dahil nag-rotate na ang mga player ng DAMWON papuntang A at Mid Market. Dahil walang impormasyon sa kinalalagyan ni BuZz, naroon pa rin ang takot ng DAMWON na baka nagfa-flank ito mula sa defender’s spawn.



Ginamit ni Stax ang ultimate ni Fade na Nightfall para makagawa ng diversion sa A site at maka-buy time para kay Kim “Zest” Gi-seok na maka-rotate sa B habang bitbit ang spike. Ginamit naman ni Zest ang Owl Drone ng kanyang Sova para ma-clear ang Market at makumpirma ang posisyon ni Kim “t3xture” Na-ra. Dito nagawang likuran ni BuZz ang kalaban salamat sa info.

Nang DAMWON naman ang umaatake, may mga round kung saan ipinakita nila kung ano ang mga hindi dapat gawin sa zero duelist composition. Sa Round 18, nagtipon-tipon sila sa B Main para mag-rush gamit ang mga ultimate ng kanilang KAY/O at Breach.

Kaso nga lang, dahil wala silang Jett na kayang mag-dash, madali lang silang nalinis nang lumabas sila sa smoke ni Astra sa may entrance ng B. Tinapos ng DRX ang round nang may higit isang minuto pang natitira sa oras.

Matapos ang malinis nilang panimula sa VCT Korea Stage 2 Challengers, nananatiling isa mga favorites ang DRX papunta sa Stage 2 Masters Copenhagen. Nakatakda nilang kalabanin ang Tartarus para tapusin ang ikalawang linggo ng group stage.


Para sa karagdagang balita sa esports, at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Team Secret kinoronahang kampeon ng VCT PH Stage 2 Challengers