Pansamantalang liliban mula sa Valorant roster ng Zeta Division si Tenta “TENNN” Asai, matapos ma-diagnose na may retinal disease sa kanyang kanang mata.

Samantala, papalit sa kanya ang SCARZ player na si Yuto “Xdll” Mizomori, na maaari ring mag-fill in sa Valorant Champions sa Istanbul.

Tinulungan ni TENNN ang Zeta na makuha ang third-place finish sa Masters Reykjavik 2022, isang makasaysayang pagpwesto para sa isang Japanese team.

Hindi nakapasok ang Zeta sa Masters Copenhagen matapos ang kanilang pagkatalo sa grand finals laban sa Northeption sa VCT Japan Stage 2 Challengers. Gayunpaman, nagawa pa rin nilang makakuha ng pwesto sa Champions nang hindi kinakailangang maglaro sa East Asia LCQ, matapos mabigo ang Northeption na makalabas sa kanilang group at makakuha ng sapat na puntos upang mahigitan sila.

Zeta Division ipinasok si Xdll para palitan si TENN

Zeta Division TENNN Reykjavik 2022
Credit: Riot Games

Hindi pa rin sigurado kung si TENNN ba o si Xdll ang maglalaro sa Champions, ayon sa press release ng Zeta na nag-anunsyo ng mga pagbabagong ito.

Pansamantalang inalis si TENNN sa roster sa payo ng kanyang doktor upang makapag-focus sa kanyang pagpapagaling, ngunit ang kanyang attendance sa Champions ay nakadepende sa magiging desisyon ng doctor ayon sa pag-usad ng kanyang pagpapagaling.

Una niyang napansin ang abnormalidad sa kanyang paningin noong kalagitnaan ng July, at na-diagnose siya na may retinal disease matapos magpatingin sa isang ophthalmologist. Bagama’t inamin niya ang konting “loss of vision,” sinabi niyang pansamantala lamang ito at gagaling din sa tulong ng gamut.

Ipapahiram si Xdll sa Zeta hanggang sa matapos ang Champions. Siya ay may pinakamarami games kay Fade, subalit meron din siyang experience sa paggamit ng Sova at Skye. Sa kabilang banda, si TENNN ang Raze main ng Zeta. Hindi pa malinaw kung anong klaseng adjustment ang ggawin ng team upang maisali ang kanilang bagong player, o kung ibibigay na lang nila sa kanya ang role na duelist.

Zeta Division Valorant roster

  • Ushida “Laz” Koji
  • Maruoka “crow” Tomoaki
  • Yuuma “dep” Hisamoto
  • Shota “SugarZ3ro” Watanabe
  • Yuto “Xdll” Mizomori (stand-in)

Ang Champions ay gaganapin mula September 2 hanggang 18 at katatampukan ng 16 teams, mas marami ng 4 kumpara sa karamiwang 12 sa mga nakaraang Masters events.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.