Dala ng Call of Duty Modern Warfare 2 Season 5 ang bagong Carrack .300 sniper rifle.
Kung naghahanap ka ng magandang attachments at tuning, ibinahagi ng sikat na CoD streamer na si Hero ang kaniyang best Carrack 300 loadout, na ginamit niya para makapag-nuke sa Shipment sa isa sa kaniyang mga laro.
- Paano ma-unlock ang bagong FR Avancer sa Modern Warfare 2 at Warzone 2
- Paano ma-unlock ang bagong M13C assault rifle sa Modern Warfare 2 at Warzone 2
I-one shot ang mga kalaban mo sa best Carrack 300 loadout na ‘to sa Modern Warfare 2

Mabilisan ang kills mo gamit ang Carrack 300 loadout ni Hero, at giit niya na ito ay mayroong best one-shot capabilities at pinakamabilis na fire rate.
Sinimulan niya ang kaniyang build gamit ang Shred CP90 para sa muzzle, na nagpapainam sa vertical at horizontal recoil control para ma-kontrol mo ang aim mo habang bumabaril.
Pinili naman niya ang VLK LZR 7MW. Mapapabilis naman nito ang ADS at sprint-to-fire speed, pati na rin ang aiming stability.
DR582 Hybrid Sight naman ang pinili niya para sa optic slot para sa isang balanseng magnification, kasabay ng mas mabilis na ADS at aim walking movement speed.
Para sa rear grip naman, ni-rekomenda niya ang Engage-20 Grip na makaka-boost sa ADS at sprint-to-fire speed.
Kinumpleto niya ang kaniyang build gamit ang 15 Round Mag para ma-maximize ang bala, para bigyan ka ng mas malaking oportunidad bumaril nang paulit-ulit kung sakaling hindi mo matamaan ang target o kailangan mo ng two shots para maka-secure ng kill.
Carrack 300 loadout attachments at tunings ni Hero
| SLOT | ATTACHMENT | TUNING (VERTICAL, HORIZONTAL) |
| Muzzle | Shred CP90 | -0.15, +0.14 |
| Laser | VLK LZR 7MW | -0.27, -29.61 |
| Optic | DR582 Hybrid Sight | -1.74, -.075 |
| Rear Grip | Engage-20 Grip | -0.71, -0.35 |
| Magazine | 15 Round Mag | N/A |
Para ma-unlock ang Carrack .300 sniper agad, I-upgrade ang iyong BlackCell Battle Pass.
Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa CoD.
BASAHIN: Modern Warfare 2 Season 5 BlackCell Battle Pass presyo, rewards, at iba pa