Muling nagkaroon ng pagbabago sa roster ng Alliance matapos ang matamlay nilang performance sa Dota Pro Circuit.

Nakipaghiwalay na kasi ang European esports organization na offlaner nilang si Moiez “symetricaL” Lin, na sumali sa koponan nito lang Pebrero. Tatapusin ng Alliance ang natitira nilang serye sa gumugulong na Tour kasama si Yaroslav “Limitless” Parshin bilang stand-in.

Roster ng Alliance para sa DPC WEU 2021/2022 Division 1 Tour 3

symetricaL lumisan sa roster ng Alliance matapos lang ang limang buwan
Credit: Alliance
  • (1) Nikolay “Nikobaby” Nikolov
  • (2) Aliwi “w33” Omar
  • (4) Adam “Aramis” Moroz
  • (5) Nikolay “CTOMAHEH1” Kalchev
  • (Coach) Jonathan “Loda” Berg

Matapos ang pitong serye sa DPC Western Europe 2021/2022 Div 1 Tour 3, hindi pa nakakaselyo ng panalo ang koponan.

Dahil dito, sigurado na ang pagbalik nila sa Division 2. Matatandang nanggaling na dito ang Alliance noong unang Tour. At dahil relegated nanaman sila, wala nang pag-asa para sa koponan ang makapasok sa The International 2022 gamit ang DPC points.

Gayunpaman, may pag-asa pa sila mula sa regional qualifiers at last chance qualifier para sa susunod na Dota 2 world championship.

Sa ngayon, nakatakda pang ikumpirma ng Alliance ang magiging roster nila para sa kanilang kampanya patungong Singapore para sa kauna-unahang The International na gaganapin sa Southeast Asia.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: BOOM Esports ang unang kinatawan ng SEA sa Arlington Major 2022