Ang meta ng competitive Dota 2 ay pwedeng magbago sa isang iglap. Laging naglalabas ang mga professional player ng mga sariwang ideya at bagong sistema kung paano sila naglalaro kaya naman patuloy na nag-e-evolve ang roster ng heroes na ginagamit.

Sa hero tier list na ito, isinaayos ang ilang hero sa tatlong tier para ipakita ang kanilang importansya sa professional scene. Hindi ito napakadetalyadong listahan ng mga magagandang heroes sa kasalukuyan, bagkus ay nakaranggo sila base sa kanilang popularidad sa pro scene kung saan magkasinghalaga ang execution at draft.

Bagamat maliit lang ang bagong patch 7.31d na may ilang major nerfs, medyo malaki pa rin ang naging epekto nito sa meta. Naging isa sa pinakasikat na support sa pro scene ang kakadagdag lamang na hero sa Captain’s Mode na si Marci samantalang tumaas naman ang viability ni Dawnbreaker sa bawat role.

Bilang panimula, narito ang tier 1 heroes sa Dota 2 ngayong buwan.


Ang kasalukuyang tier 1 heroes sa Dota 2

Ang tier 1 heroes sa Dota 2 ngayong Hulyo ay lumalabas sa halos lahat ng draft, pick o ban man. Ang kanilang lakas ay maaaring dahil sa kanilang flexibility o kaya naman ang kanilang pagiging overpowered sa puntong walang ibang hero na kaya silang pantayan kapag nakuha na ang tamang timing at items.

Puck

Credit: Valve

Nagbalik si Puck sa meta bilang isang premier midlaner at isa sa tier 1 heroes ngayon sa Dota 2. Bagamat hindi siya nakatanggap ng mga pagbabago sa dalawang magkasunod na patch, bumalik siya sa contention dahil sa circumstantial nerfs sa Black King Bar (BKB) at ilang mid heroes.

Nawala sa meta ang Faerie Dragon dahil sa pagpalit ng Aghamin’s Scepter mula sa Dream Coil (ultimate) upgrades papunta sa pagpapalakas ng Waning Rift (2nd skill). Pero napagtanto ng pros na malakas pa rin sa lane ang hero dahil sa dalawang nukes nito na Illusory Orb (1st skill) at Waning Rift, at mahirap pa ring hulihin.

Isa pa, si Puck ay isa sa mga kaunting midlaners na ‘di kailangan ng BKB at sa halip ay umaasa sa kanyang Orb at Phase Shift (3rd skill) para makapanggulo sa mga clash. Nagbibigay-daan ito sa pagbili ng mas maraming damage items tulad ng Witch Blade at Kaya, at magshi-shift lang sa utility kung kakailanganin.

Pagdating ng Level 25, halos karamihan ng Puck users ay kinukuha ang spell immunity piercing talent ng Dream Coil, na hindi na nakatali sa Aghanim’s. Dahil mas mahaba na ang cooldown ng BKB ngayon, pwede mo nang mahuli ang kahit sinong kalaban sa kahit anong oras at ma-burst ito gamit ang high damage spells.


Marci

Credit: Valve
Screenshot ni Nigel Zalamea/ONE Esports

Mabilis umangat si Marci sa rankings ng best aggressive supports sa Dota 2. Lagi siyang handa tumalon sa mga clash at ang kanyang abilidad na hilahin ang mga kalaban paalis sa kanilang posisyon ay talaga namang mapanganib.

Ang Rebound (2nd skill) at Dispose (1st skill) ay isang killer combo simula pa lang sa Level 2. Tila imposibleng makaligtas dito lalo pa kapag may dumating na isa pang hero para magbigay ng damage tulad na lang nila Juggernaut at Monkey King.

Bonus na lang kay Marci ang Sidekick (3rd skill), na panandaliang nagbibigay ng lifesteal at damage buffs sa isang kakampi. Swak na swak ito sa mga hero tulad nila Medusa at Gyrocopter na mas lalong napapalakas ang ranged attacks.

Ang Unleash (ultimate) naman ay madalas kinukuha ng mga core na Marci. Sa pro scene at high level pubs, madalas na support si Marci pero ang kanyang flexibility ay nagco-contribute sa kanyang draft rate at pagturing sa kanya bilang isa sa tier 1 heroes sa kasalukuyan.


Dawnbreaker

Credit: Valve

Si Dawnbreaker ang pinaka-versatile na hero sa pro play ngayon kaya naman isa siya sa tier 1 heroes. Kaya ng core Drawnbreakers na mang-one shot ng heroes, ang support Dawnbreakers ay kayang magbigay ng malaking healing at damage mitigation, at kaya naman ng parehong klase na mag-retain ng lane dominance at global presence.

Ang core Dawnbreakers, position 1 man hanggang 3, ay inuuna ang scaling attack ng Starbreaker (1st skill) para pataasin ang kanilang physical damage. Popular sa kanya ang Orb of Corrosion into Desolator na build na talagang nakakapagpababa ng armor at tumutunaw ng kalaban.

Ang support Dawnbreakers naman, tulad ng Nature’s Prophet, ay kayang mag-farm sa mapanganib na side lanes o jungle camps bago tumalon gamit ang Solar Guardian (ultimate). Holy Locket, Wraith Pact at Aghanim’s Scepter naman ang karaniwang build sa ganitong uri.


Tiny

Credit: Valve

Matapos ang matagal na panahon ng pagdomina sa position 1 bilang isa sa best hard carries sa laro, ang nuking Tiny ay nagbabalik ngayon bilang isang mid o soft support, at kabilang muli sa tier 1 heroes ng laro.

Tinarget ng nerfs sa mga nakaraang patch ang Tree Grab (3rd skill), pero nanatiling malakas ang Avalanche (1st skill) at Toss (2nd skill). Dagdag pa rito, ang tila maliit na buff sa Avalanche na ginawang 0.3 seconds ang stun mula sa 0.2s ay halos imposible nang maiwasan at ginawang ineffective BKB, Force Staff o Glimmer Cape.

Ang mga mid Tiny naman ay kumukuha ng Aghanim’s Scepter na nagbibigay ng Tree Volley (Agh’s ability) para makapagbitaw ng mas malaking damage sa mga team fight.


Beastmaster

beastmaster-1024x576

Hindi talaga namamatay ang zoo strat. Mahirap talunin ang Helm of the Overlord power spike ni Beastmaster kumpara sa iba pang parehas na summon heroes.

Nagbibigay si Rexxar ng instant vision advantage kontra sa kalabang koponan. Kakaunti lang ang surveillance spells na kasinglakas ng Hawk. Maaari rin itong i-uprade ng Aghanim’s Shard sa later stages ng laro kung saan mayroon itong homing stun.

Ang pagkakaroon din niya ng spell immunity-piercing ultimate na Primal Roar ay napaka-epektibo sa napakaraming sitwasyon. Habang ramdam ng mga carry na ligtas sila sa paggamit ng BKB sa mga clash, ‘di nila maiiwasang mag-alinlangan na gamitin ito kapag may Beastmaster.

Dahil sa mga ito, napabilang ulit siya sa listahan ng tier 1 heroes ng Dota 2 ngayong buwan.


Kabilang din sa tier 1 heroes sa Dota 2 ngayong buwan sina Monkey King at Mars. Abangan ang ikalawang parte ng Dota 2 hero tier list para sa buwan ng Hulyo 2022.

Para sa Dota 2 news, guides, at highlights, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Hango ito sa artikulo ni Dexter Tan Guan Hao ng ONE Esports.