Hindi matatawaran ang galing ng Mobile Legends: Bang Bang pagdating sa mga nakakamanghang skin collaboration nito na kinabibilangan ng The King of Fighters, Transformers at Star Wars franchise.
Kamakailan lang, maraming fans ang nakahukay ng mga clue na nagpapakitang magkakaroong ng malaking collaboration ang MLBB at ang sikat na anime na Jujutsu Kaisen.
Narito ang tatlong ebidensya na nagpapahiwatig ng Jujutsu Kaisen x Mobile Legends collab.
Mga clue sa Jujutsu Kaisen x Mobile Legends collab

Naglabas ang MLBB ng survey tungkol sa Jujutsu Kaisen noong 2021
Noong nakaraang taon, in-game na inanunsyo ng Mobile Legends: Bang Bang na nagsasagawa sila ng isang survey patungkol sa isang posibleng collaboration kasama ang isang sikat na anime show.
Kabilang sa survey ang mga tanong kung kilala ng mga MLBB fans ang ilang karakter sa Jujutsu Kaisen. Ito na marahil ang pinakamatibay na ebidensya na ang Moonton ay talaga ngang nakikipag-usap sa publishers ng Jujutsu Kaisen para isang posibleng collab.
Ang mga skill ng paparating na hero ay halos pareho sa mga abilidad ni Satoru Gojo

Si Xavier ay isang paparating na hero na hindi opisyal na inaanunsyo ng laro. Base sa leaks na nilabas ng ilang content creators sa YouTube, ang hero ang may skills na halos pareho ng sa bida ng Jujutsu Kaisen na si Satoru Gojo.
Ang kanyang passive ay kamukhang-kamukha ng Limitless ability ni Satoru Gojo. Ang ultimate skill din ng hero ay pwedeng ihalintulad sa signature Hollow Purple ability ng karakter.
Si Melissa na isa ring paparating na Mobile Legends hero ay pareho kay Nobara ng Jujutsu Kaisen

Si Melissa ay isa pang hero na lalabas sa Mobile Legends: Bang Bang. Available na siya para sa testing sa advanced server. Pagdating sa design, isa siyang marksman na nagbabato ng mga karayom para makapagbigay ng damage.
Kung isa kang fan ng Jujutsu Kaisen, ‘di maiiwasang sumagi sa isip mo si Nobara kapag nakita mo si Melissa. Sa anime, lumalaban si Nobara gamit ang kanyang martilyo at mga pako, na kung iisipin ay pareho sa mga karayon ni Melissa sa laro.

Lahat ng mga ito ay ispekulasyon pa lamang patungkol sa Jujutsu Kaisen x Mobile Legends collab, pero siyempre hindi naman masama na asahang magkakaroon nito.
Hango ito sa artikulo ni Jules Elona ng ONE Esports.