Ano ang pinakaepektibong Bruno counter sa Mobile Legends: Bang Bang?

Si Bruno ang pinakamadalas na mapiling marksman sa M5 World Championship dahil sa kanyang malakas na damage output at lifesteal capabilities.

Ito ay umaabot pati sa ranked play. Ayon sa MLBB stats, si Bruno ang top choice sa mga Mythical Glory players pataas.

Gayunpaman, naniniwala ang gold laner ng Blacklist International na si Kiel “OHEB” Soriano na madali lang mabasag ang marksman hero sa tulong ng tamang diskarte.

Sa isang eksklusibong panayam sa ONE Esports sa M5 World Championship, ibinahagi ni OHEB kung ano ang dapat gawin kapag nakatapat mo si Bruno sa ranked games.



Tatlong epektibong Bruno counter ayon kay OHEB

Pumili ng tamang hero

Ayon kay OHEB, ang pag-counter kay Bruno ay nangangailangan ng pagpili ng mga hero na may kalamangan sa early game, kung kailan pinakamalakas si Bruno.

“Kapag katapat mo Bruno, mag-pick ka ng mga hero tulad nina Brody o Ixia,” ayon sa kanya. “Pwede mo siyang mapatay sa gold lane kasi malakas yung early game damage.”

Brody best Irithel counter
Credit: Moonton Games

Parehong malakas sa early game sina Brody at Ixia dahil sa kanilang passive.

Ang Abyss Corrosion passive ni Brody ay nagpapalakas ng kanyang damage at nagbibigay daan sa kanya na gumalaw habang nagcha-charge ng kanyang basic attack.

Samantalang si Ixia ay nagkakaroon ng lifesteal sa bawat ikatlong hit mula sa kanyang basic attack, kaya epektibo siya sa mga pangmatagalang laban.

Mag-ingat sa kanyang Mecha Legs passive

Sinabi ni OHEB na ang Mecha Legs passive ni Bruno ay isang malaking factor kung bakit siya malakas sa kasalukuyang meta.

“Pag haharap ka kay Bruno sa laning phase, dapat wala siyang stacks,” sabi niya.

Credit: Moonton

Ang kanyang passive ay nagbibigay sa kanya ng critical chance sa bawat atake, at nag-iipon ito ng hanggang 10 stacks. Kaya’t mahirap siyang harapin nang direkta kapag puno ang kanyang stacks.

Bumuo ng mga tamang items

Ang pinakaepektibong paraan upang makontra si Bruno ay sa pamamagitan ng pagbuo ng mga tamang items.

“Sa early game, unahin mo yung Steel Legplates, tapos sa late game, yung Wind of Nature naman,” payo ni OHEB.

Bruno MLBB

Ang Steel Legplates, isang tier-two item na nagbibigay ng sulit na flat defense boost, kaya’t ito ay mahalaga sa laning phase dahil sa mura ito at nagbibigay ng malaking physical defense.

Sa late game, mahalaga ang Wind of Nature. Ang active skill nito ay nagblo-block ng lahat nang physical damage sa maikling oras — ang pinakamagandang choice kapag haharap ka sa isang fully equipped na Bruno.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Eksklusibo: Best roam heroes sa meta ngayon? Ibinahagi ni Owgwen ang kanyang top 3