Kung tatanungin mo ang mga pro players kung aling marksman hero ang may pinakamalaking epekto sa M5 World Championship, malamang ay halos lahat ay sasabihing si Bruno, the Protector.

Ang hero ay ang pinakamadalas na na-pick sa group stage, at may 50% na win rate sa unang limang araw ng torneo.

Sa isang eksklusibong panayam ng ONE Esports, ipinaliwanag ni Geek Fam gold laner Mark “Markyyyyy” Capacio kung bakit si Bruno ang tinaguriang pinakamalakas na marksman sa torneo.



3 dahilan kung bakit si Bruno ang best na marksman ngayon sa M5 World Championship, ayon kay Markyyyy

Ang Double Volley Shot technique ay overpowered

5 jungle marksman heroes, Bruno
Credit: Moonton Games

Ayon sa 24-anyos na gold laner, ang first skill ng hero, ang Volley Shot, ay isa sa pinakamalakas na ability sa mga gold lane heroes.

“Kapag ginamit mo yung first skill, tapos ginamit mo ulit, pwede kang magkaroon ng Double Volley Shots, na sobrang lakas,” ibinahagi niya sa ONE Esports.

Ang kanyang first skill ay hindi lamang nagbibigay ng mas malakas na basic attacks kundi nagpapabagal din ng kalaban sa bawat tama. Madalas gamitin ng mga magagaling na players ang double Volley Shot technique upang palakasin pa ang damage ng skill.

Para gawin ito, maghintay na matapos ang cooldown ng Volley Shot, pagkatapos ay ulitin ito habang ang iyong unang Powerball ay nasa hangin pa.

Ang kanyang passive na Mecha Legs ay epektibo sa mga extended team fights

Dahil sa mga assassin heroes tulad ni Nolan at Lancelot na bumalik sa meta, bumalik sa rotation ng maraming gold laners ang burst damage marksman heroes tulad ni Bruno.

Credit: Moonton Games

Ang nagpapalakas sa kanya bilang isa sa pinakamahusay na burst damage heroes ay ang kanyang passive na Mecha Legs, na nagtataas ng kanyang crit chance tuwing nagbibigay siya ng damage gamit ang kanyang mga skills, na naiipon sa ilang stacks.

“Kapag nag-critical shot si Bruno, halos nabu-burst yung kalahating buhay ng kalabang hero na squishy,” dagdag niya. “Ganoon siya kalakas.”

Ang Bruno na may Haas’ Claws ay napakahirap patayin sa mga team fights

Mobile Legends: Bang Bang item, Haas' Claw
Credit: ONE Esports

Isa sa pinakamahalagang items para kay Bruno ay ang Haas’ Claw. Ang item na ito ay nagbibigay sa kanya ng dagdag na physical attack, attack speed, at crit chance.

Ngunit ang tunay na highlight ng item na ito ay ang kanyang unique attribute na 25% lifesteal at passive na nagtataas ng kanyang attack speed sa bawat critical hit.

Ayon kay Markyyyy, ito ay isang kailangan para kay Bruno at dapat itong bigyan ng priority.

Best build kay Bruno sa Mobile Legends: Bang Bang

  • Tough Boots
  • Haas’ Claw
  • Berskerker’s Fury
  • Malefic Roar
  • Windtalker
  • Immortality

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Eksklusibo: Best jungle hero sa kasalukuyang meta? Narito ang 3 mula kay Hadess