May dapat abangan ang Malaysian Mobile Legends: Bang Bang fans sa susunod na taon.

Ito ay dahil sa Malaysia gaganapin ang M6 World Championship, kasunod ng anunsyo ng Moonton bago gumulong M5 World Championship grand final match sa pagitan ng AP Bren at ONIC Esports.

Ito ang ikalawang pagkakataon na gugulong M-Series event sa bansa, kasunod ng hosting dito ng M1 World Championship kung saan nagtagumpay ang EVOS Legends ng Indonesia.

Itatanghal ang M6 World Championship sa Malaysia

Itinaas ng EVOS Legends ang tropeyo ng M1 World Championship sa Malaysia
Credit: Moonton Games

Ayon sa Deputy Minister ng Youth and Sports ng Malaysia na si YB Adam Adli, isang karangalan na mapili ang bansa para mag-host ng M-Series sa ikalawang pagkakataon.

“This achievement is not just for a single person, but for all Malaysians,” ani ng opisyal.

“M6 will be a momentous occasion for our nation, and we are eager to welcome players, fans, and enthusiasts from around the globe.”

Noong 2019, ginanap ang M1 World Championship sa Axiata Areana sa kapital ng bans ana Kula Lumpur. Sa gumulong na grand final, pumihit ang EVOS Legends ng isang come-from-behind tagumpay kontra kapwa Indonesians na RRQ Hoshi.

Noong nakaraang taon naman, nagbalik ang international events sa bansa nang itanghal dito ang Mobile Legends: bang Bang Southeast Asia Cup 2022 (MSC 2022). Dito, ang RSG Philippines ang lumutang bilang kampeon matapos walisin ang RRQ Hoshi, 4-0.

MLBB RSG PH MSC 2022
Credit: ONE Esports

Magsisimula ang M6 World Championship sa Nobyembre sa susunod na taon.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa Mobile Legends.

BASAHIN: Exports na Kairi at Yeb bumalik sa Pinas para sa M5 — ano ang reaksyon ng Pinoy fans?