Kapansin-pansin ang malalaking ngiti nina Jonard “Demonkite” Caranto at Nathanel “Nathzz” Estrologo ng RSG Philippines habang nakikipaglaban sila kontra Falcon Esports sa unang round ng MSC 2022 playoffs.

Tagumpay ang Raiders kontra pambato ng Myanmar para maka-abante sa ikalawang round ng playoffs, kahit pa nasagasaan sila ng Johnson-Kadita combo sa ikalawang mapa ng best-of-three. Nang humarap sa media ang koponan, suot pa rin ang kanilang mga ngiti, ibinahagi nina Demonkite at Nathzz ang dahilan sa likod nito.

Bakit nakangiti sina Demonkite at Nathzz habang nilalabanan ang Falcon Esports

Demonkite at Nathzz ibinahagi ang dahilan ng kanilang pagngiti habang naglalaro sa MSC 2022
Photo courtesy of MSC 2022

RSG PH ang koponanang paboritong manalo sa gumugulong na turneo. Sa kanila nakatuon ang atensyon hindi lang ng fans, kung hindi pati na rin ng mga kalahok. Kaya para kay Demonkite, ngumingiti siya para balaan ang mga haharang.

“Para sa akin, ‘yung ngiti ko, parang pang takot sa ibang team para makita nila kami na naglalaro nang walang kaba, super confident na kaya namin talunin kahit sinong makalaban namin,” ani Demonkite.

Patunay ang panalo ng ‘Kingslayers’ kontra tinaguriang dark horse ng turneo na epektibo ang pagsuot ng mga ngiti habang naglalaro.

Nang bumaling na kay Nathzz, panay din ang ngiti habang naglalaro, ang atensyon para marinig ang kanyang sagot, ito ang matipid na sinabi ng 15-taong-gulang na EXP laner:

Demonkite at Nathzz ibinahagi ang dahilan ng kanilang pagngiti habang naglalaro sa MSC 2022
Credit: ONE Esports

“Katulad ng sinabi niya.”

Sinundan naman ito ng tawanan ng kanyang mga kakampi.

Magpapatuloy ang kampanya ng RSG PH sa MSC 2022 playoffs kontra Orange Esports. Inaasahan naman lalaruin ng mga Pinoy ang serye na ‘to na tangan pa rin ang mga ngiti sa kanilang muka.

Nakatakda itong ganapin sa ika-16 ng Hunyo, sa ganap na ika-anim ng gabi. Masusubaybayan ang mga laban sa MSC 2022 sa mga sumusunod na official livestreams na matatagpuan dito.


Para sa karagdagang balita sa esports, at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: High priority ang heroes na ito sa MSC 2022 Group Stage