Nais patunayan ni EVOS Icon gold laner Jabran “Branz” Bagus Wiloko na siya ang “King of Marksman” sa Indonesian Mobile Legends: Bang Bang scene at ginagawa niya ito sa pamamagitan ng pagiging top global Beatrix player.

Kakabalik lang ng dating Bigetron Alpha star at tinatrabaho niyang makabalik sa kanyang pinakamalakas na anyo. Alam ng nakararami na pamilyar siya sa paggamit ng marksman heroes. Kaya naman hindi na rin nakakagulat na lumabas ang pangalan niya sa leaderboard ng ilang marksman sa mga nagdaang season.

Dati nga ay halos kasingkahulugan pa ang pangalang Branz sa hero na si Claude, na top global player din siya sa mga nakaraang season. Siya rin ang nasa tuktok pagdating kila Karrie at Granger.

Credit: EVOS

Pero sa kasalukuyang meta, ang mga marksman na pinakamalakas ay sina Wanwan at Beatrix. Bilang pro player, nakamit niya ang isang tagumpay sa kabilan ng abalang schedule.


Totoong si Branz ang top global Beatrix

Sa kanyang Instagram account, inilahad ng 21-year-old pro na siya ang No. 1 sa global rankings pagdating sa marksman hero na si Beatrix na may 3,630 hero power.

Kaya naman siguradong pamilay na pamilyar siya sa paggamit kay Dawnbreak Soldier. Sa katunayan, ipinamalas niya ang kanyang husay sa H3RO MLBB Tournament kung saan sa tatlong matches ng EVOS Icon, madalas na ito ang nilaro niya at malakas ang kanyang performance.

Credit: IG Branz

Kita sa manlalaro mula Yogyakarta ang matinding kagustuhan na makabalik sa kanyang dating lakas. Dagdag pa rito, pinapatunayan ng kanyang tagumpay na kaya pa rin ng pro players na makapasok sa top global level kung magsisipag sila para makuha ito.


Kaya ba ni Branz na makipagsabayan kila Kelra, Oheb at Skylar?

Credit: Moonton

Sa ngayon, ang kinikilalang best Beatrix player ay si Smart Omega gold laner Duane “Kelra” Pillas. Kasama rin sa usapang ito sina Kiel “OHEB” Soriano ng Blacklist International at Schevenko “Skylar” David Tendean ng RRQ Hoshi. Pero kalaunan ay may tsansang mapabilang dito si Branz.

Bukod pa rito, ang kanyang potensyal na ma-promote pabalik sa MPL Indonesia ay mataas. Kapag nangyari ito at nagawa niyang dalhin ang EVOS Legends sa M4 World Championship sa likod ng Beatrix, maaari siyang tanghalin na pinakamalakas sa paggamit ng nasabing marksman.

Para sa MLBB at MPL updates, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Base ito sa akda ni Redzi Arya Pratama ng ONE Esports Indonesia.