Pinatunayan ni Duane “Kelra” Pillas ng Smart Omega na siya na marahil ng pinakamahusay na Beatrix player sa mundo matapos niyang makuha ang unang Savage sa Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup 2022 (MSC 2022).

Sa gitna ng kalamangan ng kalaban na 1-2 sa best-of-five series, itinumba ng Filipino Savage ang limang miyembro ng Orange Esports gamit ang Renner at Wesker upang gawing tabla ang series at kinaklaunan ay ilaglag ang natitirang Malaysian squad sa tournament.

Pinatunayan ng Smart Omega na sila ang mga hari ng lower braket sa five-game series

MPL PH S9 Kelra Beatrix
Credit: ONE Esports

Nagpalitan ng bira ang magkabilang teams sa games one at two. Dinala ni Kelra ang Omega squad gamit ang kanyang Beatrix sa unang game, kung saan tinanghal siyang MVP ng match na may kahanga-hangang 11/2/4 KDA.

Sumagot naman si Luk Jun “Valenz” Yip ng Orange Esports sa ikalawang game gamit ang kanyang Karrie, na tumapos sa game sa 12-minute mark matapos nilang magtagumpay sa pagkuha ng Enhanced Lord at ang wipeout sa base ng Omega.

https://youtu.be/3yGdnDUdPY4?t=24324

Nagiba ang Smart Omega sa ikatlong game matapos nilang mag-draft ng isang offensive-heavy lineup nang walang maaasahang frontline heroes. Lumamang sila sa early game sa tulong ng Natalia ni Joshua “Ch4knu” Mangilog, subalit nag-scale sa late game ang Orange Esports upang makuha ang match point.

MSC 2022 Smart Omega
Credit: Mobile Legends Esports

Lyamado sa score na 1-2, nag-draft ang Smart Omega ng wombo combo lineup kung saan Beatrix si Kelra, Franco si Ch4knu, at Xavier naman si Patrick James “E2MAX” Caidic. Naging matagumpay ito at hindi nakakuha ng lamang ang Orange Esports.

Sa 13-minute mark, matagumpay na naitulak ng Akai ni Dean Christian “Raizen” Sumagui ang dalawang miyembro ng Orange Esports gamit ang Heavy Spin papunta kay Kelra malapit sa inner turret sa bottom lane. Kasado ang Wesker, nagawa niyang i-burst down ang mga kalaban para makakuha ng double kill. Dali-dali siyang nagpalit ng Renner upang makakuha ng dalawa pang kills para sa Maniac.

https://youtu.be/3yGdnDUdPY4?t=29405

Habang nagmamartsa papunta sa exposed na mid lane ng Orange Esports ang Enhanced Lord, muling inilabas ni Kelra ang Wesker upang tapusin ang natitirang miyembro ng Malaysian squad na nakabantay sa base, at kinuha ang Savage ilang segundo bago matapos ang game.

Mabilis namang tinapos ng Smart Omega ang Orange Esports sa game five. Pero sa pagkakataong ito, si Renz Errol “Renzio” Salonga ang naging bida sa kanyang nakakabilib na Esmeralda performance sa EXP lane.

Matapos ang panalong ito, sunod na nakaharap ng Smart Omega ang Falcon Esports ng Myanmar.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming, esports, at sa MSC 2022, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.