Hindi kasing-tunog ang pangalan ng Falcon Esports kung ikukumpara sa mga bigating teams na kalahok sa gumugulong na Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup 2022 (MSC 2022).
Gayunpaman, siguradong lalabas sila ng Kuala Lumpur sa tunog ng palakpakan ng bago nilang international fans, anuman ang maging resulta ng kanilang kampaniya sa patimpalak.
Pinugo lang naman ng team mula Myanmar ang paboritong ONIC Esports sa Group A, 2-0, na epektibong kumitil sa tiyansa ng team na makalahok sa playoffs. At kahit pa nagapi ng bigating RSG Philippines sa simula ng kanilang MSC 2022 playoff run, ipinakita ng koponan ang kanilang giting ng rumebanse sila sa Game 2 para dungisan ang noon ay perpektong record ng top favorites.

Maraming nagulantang sa performance ng Falcon Esports, partikular na ang mga miron sa Indonesia at Malaysia kung saan galing ang mga teams na nabikitima ng kanilang lason. Ngunit hindi na kinilabutan si Coach Kristoffer “BON CHAN” Ricaplaza at ang kaniyang Blacklist International sapagkat, ayon sa dekoradong coach, matagal na nilang nakakalaro ang Myanmar team.
Ito rin ang ibinahagi ng Falcon Esports jungler na si Kenneth “Kenn” Hein ng hingan siya ng komento ng ONE Esports tungkol sa pag-eensayo ng koponan kasama ang teams mula ibang rehiyon.
Falcon Esports Kenn ibinahagi ang natutunan sa scrims kasama ang international teams

Sa eksklusibong panayam, kinumpirma ng 20-anyos na pro ang sinabi ng Blacklist head coach. “Yeah. We’re actually scrim partners with a lot of teams such as Blacklist and other teams. We have been playing since Season 7 [MPL] because we want to test out some heroes.”
Ani pa ni Kenn, bukod sa PH team, nakikipag-scrim din daw ang Falcon Esports sa mga koponan galing Malaysia, Indonesia at kahit pa Cambodia.
Hindi naman daw naging hadlang ang ping sa kanilang practice sessions. “In scrims, we’re used to playing on like 50 to 60ms. We just got used to it. It’s bad if you really think about it like playing on high ping but that’s how we have been playing scrims for the past year. If you have been playing you just get used to it,” paliwanag ng pro.

Ayon pa rin Myanmarese, mataas ang tingin ng kaniyang koponan sa galawan ng Indonesian at Filipino teams. Ito rin ang rason kung bakit hinahango nila ang ilang elemento ng playstyle ng bawat isa na para isalpak sa sarili nilang istilo.
“From the Filipinos, we really like how they take the objectives like they’re very objective-based and we really like that and we also like the Indonesian’s micro plays and their mechanics and their team fights so we take certain elements from both of these countries and we just mix it and play,” pagbabahagi ni jungler.
Dinispatiya na ng Falcon Esports ang RSG Singapore, 3-0 para sindihan ang kanilang lower bracket kampanya. Susubukan nilang pabagain muli ang makinarya sa harap naman ng home team Todak sa round 2.
Alamin ang pinakahuli sa MSC 2022 sa pamamagitan ng pagsunod sa ONE Esports Philippines sa Facebook!
BASAHIN: Anong meron ang Falcon Esports na wala ang ibang teams sa MSC 2022? Ito ang sagot ni Kenn