Kaakibat ng inilabas na Mobile Legends patch 1.8.08 ng Moonton ang isang item na kayang makapagpalakas ng maraming heroes sa Land of Dawn— ang Great Dragon Spear.

Pinalitan ng nasabing item ang Scarlet Phantom. Bagamat pareho ang stats na ibinibigay ng bagong item sa nauna dito, may bagong attributes at kakaibang unique passive ang karga ng Great Dragon Spear.



Ano ang stats na ibinibigay ng Great Dragon spear at sinu-sinong heroes ang magbebenepisyo dito sa Mobile Legends?

Great Dragon Spear requisite items in Mobile Legends
Credit: ONE Esports

Ito ang stats na ikinakarga ng item sa heroes:

  • +70 Physical Attack
  • +10% Cooldown Reduction
  • +20% Crit Chance
  • Price: 2140

Ang pinakamamapansing pagkakaiba sa bagong item ang kaniyang unique passive na Supreme Warrior na nagdadagdag ng extra 15% movement speed bawat activation ng ultimate.

Bilang resulta, ang heroes na sumasandal sa kanilang movement speed at physical attack ang pangunhaing makikinabang sa naturang item. Isa sa mga ito si Zilong, na literal na may hawak ng spear.

Mobile Legends: Bang Bang Fighter Zilong
Credit: Moonton Games

Pambihira kasi ang epekto ng Supreme Warrior passive sa fighter/assassin, at swabe sa kaniyang ultimate na pareho din ang tawag.

Pagkatapos i-active ni Zilong ang Supreme Warrior, kasabayan ding mag-proproc ang passive ng item kung kaya’t kung susumahin ay magkakaroon siya ng adisyunal na 55% movement speed.

Ang iba pang heroes na maaaring makinabang dito ang Irithel, Alucard, Ling, Bruno at Roger.

Mobile Legends: Bang Bang Phantom Ranger Roger
Credit: Moonton Games

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang guides, balita at updates tungkol sa MLBB!

BASAHIN: Pataubin si Karrie gamit ang 3 counters na ‘to sa MLBB